Guro, kritikal matapos protektahan ang mga batang mababagsakan ng pader dala ng lindol

Guro, kritikal matapos protektahan ang mga batang mababagsakan ng pader dala ng lindol

- Nasa kritikal na kondisyon ang isang guro matapos itong mabagsakan ng gumuhong pader

- Yakap nito ang kanyang mga estudyante nang maganap ang malakas na pagyanig na naging sanhi ng pagguho ng pader ng kanilang silid-aralan

- 25 taon nang nagtuturo ang 61 anyos na guro ng daycare students at talagang mahal niya ang mga bata at ang kanyang propesyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang humanga sa 61 anyos na daycare teacher na si Erlinda Ajero matapos nitong protektahan ang kanyang mga maliliit na estudyante mula sa gumuhong pader ng Rodero Day Care Center dala ng lindol noong Martes, Oktubre 29.

Ayon sa panayam ng Philippine Star sa anak ni Teacher Erlinda na si Marky Mark Ajero, agad na niyakap ng guro ang kanyang mga estudyante nang maganap ang 6.6 na lindol sa Rodero, Makilala, North Cotabato.

Nagkaroon ng head injury ang guro na siyang naging dahilan ng pagiging kritikal nito nang maganap mismo ang aksidente.

Ngunit dalawang araw matapos na madala agad ito sa ospital, stable na raw ang kondisyon nito at nagpapagaling na lamang.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

25 na taon nang guro ng daycare si Teacher Erlinda kaya dahil sa dedikasyon sa kanyang propesyon at napapamahal na talaga sa kanya ang kanyang mga estudyante.

Kaya naman di niya pinabayaan ang mga ito na kahit ang sarili niya mismo ang hinarang niya sa pader huwag lamang mabagsakan ang mga bata.

Masasabing bayani ng kanyang mga estudyante ang guro at laking pasalamat din ng mga magulang sa kanya.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The results of this social experiment have really put the HumanMeter team in shock. Why don't we help a lost kid???

Shocking Social Experiment: People Don't Care About Lost Child | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel