Sagot ni Robredo sa hamon ni PRRD: "Kung walang failure, bakit ipapasa sakin?"

Sagot ni Robredo sa hamon ni PRRD: "Kung walang failure, bakit ipapasa sakin?"

- Sumagot na si Vice President Leni Robredo sa hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasa sa kanya ang kapangyarihan sa loob ng anim na buwan

- Kabilang na rito ang pagsugpo sa droga matapos ang naging pahayag ni Robredo kaugnay ng laban kontra-droga ng administrasyon

- Sabi pa ng Bise, bakit ipapasa sa kanya kung wala namang "failure" ang laban kontra-droga ng pangulo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayaw daw munang patulan ni Vice President Leni Robredo ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais nitong ipasa sa kanya ang kapangyarihan sa loob ng anim na buwan, na una nang naiulat ng KAMI.

Kasunod ito ng naging kontrobersyal na pahayag ni Robredo sa isang panayam sa Reuters kung saan sinabi ng Bise na ang laban kontra-droga ng administrasyon ay hindi raw epektibo.

"Ayaw kong sagutin muna iyon kasi hindi ko alam kung gaano kaseryoso. Pero iyong sa akin lang, iyong mga mahahalaga at mga importanteng mga problema ng ating bansa, hindi naman dinadaan sa pagkapikon, hindi naman dinadaan sa pang-iinsulto.

"Mahirap na papatulan ko, kasi hahaba lang iyong usapan. Iyong sa akin, parating solusyon iyong hinahanap natin," ayon kay Robredo base sa ulat ng News5.

Pero banat pa ng Ikalawang Pangulo, tila pag-amin na rin ito na hindi nagtagumpay si PRRD sa laban nito kontra-droga.

"Pero kung walang failure, bakit ipapasa sa akin? 'Di ba?" sabi ni Robredo ayon sa ulat ng Philippine Star.

"Kasi ipapasa mo lang ang isang bagay kapag hindi mo na kayang gawin. Kung successful kasi siya, hindi kailangang ipasa... kasi nagawa mo na," sabi pa ng bise.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Shocking Social Experiment: People Don't Care About Lost Child

The little girl is crying for help, she is scared, but not many people seem to care. The results of this social experiment have really put the HumanMeter team in shock. Why don't we help a lost kid??? -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel