Netizen, nagbigay ng tips para disiplinahin ang mga anak upang magsumikap

Netizen, nagbigay ng tips para disiplinahin ang mga anak upang magsumikap

- Nagbigay ng parenting tips ang isang netizen upang turuan magsumikap ang mga anak niya

- Ayon sa netizen, hindi nagpupumilit ang mga anak niya magpabili ng mga gusto nila

- Hinikayat din ng netizen ang ibang mga magulang na palakihin ng tama ang mga anak nila habang bata pa ang mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang magulang na netizen ang nagbigay ng mga parenting tips para sa pagdidisiplina ng mga bata.

Nalaman ng KAMI na ang netizen ay pinalaki ang kanyang mga anak na magsumikap para sa mga bagay na gusto nilang makuha.

Ayon sa Facebook post ng netizen na si Jannes Gegato Gonzales-Brillantes, kahit na lalaki ang mga anak niya, hindi ito gaanong umiiyak, hindi nagwawala at hindi namimilit sa mga gustong ipabili.

Mga lalaki sila kaya sabi ng iba mas matigas ang ulo? Pero yang mga batang yan... Walang iyakan. Walang pag wawala. Walang pag lulupasay sa sahig. Walang pilitan ng pagpapa bili,” giit nito.

Bakit? Dahil maliliit palang sila tinuruan na namin silang hindi lahat ng gusto nila makukuha nila at dahil maliliit palang sila tinuruan na namin silang pag hirapan at mag sumikap kapag may gusto silang isang bagay. Dahil don nag se set sila ng goals lagi,” dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sabi pa ng netizen, minsan na lang mabigyan ng pagkakataon ang mga magulang na hubugin ang pagkatao ng mga anak nila kaya naman dapat gawin ito nang tama.

Minsan lang natin sila huhubugin ng tama.. Kapag nagka mali ka, hindi mo na mauulit ang panahon at maitama ang mga mali. Kaya bata palang sila gawin na natin ang tama para sakanila,” sabi niya.

“Bilang magulang tayo ang may pinaka malaking ambag sa pagka tao ng mga anak natin habang lumalaki sila,” dagdag pa nito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The little girl is crying for help, she is scared, but not many people seem to care. The results of this social experiment have really put the HumanMeter team in shock. Why don't we help a lost kid??? — on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel