Fil-Am, nagpakamatay dahil sa panunulsol ng nobya ayon sa imbestigasyon

Fil-Am, nagpakamatay dahil sa panunulsol ng nobya ayon sa imbestigasyon

- Matapos makatanggap ng 45,000 na mensahe mula sa nobya na ang karamihan ay pambubuyo na magpakamatay na siya, tumalon mula sa isang gusali ang isang 22-anyos na Fil-Am

- Dahil dito, inakusahan ng "involuntary manslaughter" ang dalaga na napag-alamang naroon din sa crime scene nang maganap ang insidente

- Ngunit giit ng dalaga na isang South Korean, pinuntahan niya ang nobyo para raw pigilan ito sa planong pagpapakamatay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

May 20 nang tumalon mula sa isang gusali ang Filipino-American na si Alexander Urtula, 22-anyos, na naging dahilan ng kanyang maagang pagkamatay.

Lumabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad na nagkaroon ng palitan ng mensahe si Urtula at ang nobya nito na si Inyoung You, 21-anyos, isang South Korean.

Karamihan sa mga mensahe mula sa dalaga ay pambubuyo sa biktima para ito ay magpakamatay na katulad ng "go kill yourself" o "go die", ayon sa mga ulat BBC at Boston Globe.

Ayon sa abogadong si Rachael Rollins, ang dalaga na si You: "was physically, verbally and psychologically abusive towards Mr. Urtula during their 18-month-long tumultuous relationship".

Dagdag pa ni Rollins, noong araw na nagpakamatay si Urtula ay na-track ng dalaga ang lugar kung nasaan ito at pinuntahan doon.

Ngunit ayon sa dalaga, sinubukan pa umano niyang pigilan ang plano ng nobyo na magpakamatay.

Ayon sa mga lumabas na report, wala pang pahayag mula kay You na kasalukuyang nasa South Korea na.

Samantala, napag-alaman ng KAMI, na nagpakamatay si Urtula ilang oras bago ang kanyang graduation sa Boston College.

Tumawag pa ito sa kanyang mga magulang at sinabi ang planong saktan ang sarili.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Shocking Social Experiment: People Don't Care About Lost Child

The little girl is crying for help, she is scared, but not many people seem to care. The results of this social experiment have really put the HumanMeter team in shock. Why don't we help a lost kid??? -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel