Lalaking na-beastmode sa cashier, dahil lang sa siopao sauce ayon sa saksi

Lalaking na-beastmode sa cashier, dahil lang sa siopao sauce ayon sa saksi

-Galit na galit ang isang lalaki sa isang cashier ng isang convenience store na naispatan ng isang netizen at nakuhanan pa ng video

-Ayon sa uploader, nagalit ang lalaki dahil nakalimutan umano ng cashier na lagyan ng sauce ang siopao na binili ng lalaking customer

-Hindi naman nakasama sa video nang humingi ng sorry ang cashier ngunit ayon sa kumuha ng video ay ginawa nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Galit na galit na pinagmumura at pinagsisigawan ng isang lalaking customer ang isang lalaking cashier ng isang convenience store na naispatan ng ilan at nakuhanan pa ng video.

Ayon sa uploader na si Rjay Nucom, nagalit ang customer dahil nakalimutan ng cashier na samahan ng sauce ang siopao na binili nito.

"Binalibag yung siopao na binili galit na galit kasi wala daw sauce yung binili niya. Pinagmumura na po yung cashier. Galit na galit si kuya," ayon sa caption ni Nucom.

Bagamat hindi nakuhanan sa video, nauna na raw humingi ng tawad ang cashier sa galit na galit na customer.

Samantalang maririnig naman sa video na nagalit ang customer dahil "pinabalik pa raw siya ng cashier" dahil dito.

Makailang beses ding maririnig na sinabihan ng customer ng masasakit na salita ang cashier.

Umani ng mga negatibong komento ang video mula sa mga netizens dahil sa ginawa ng lalaking customer.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Shocking Social Experiment: People Don't Care About Lost Child

The little girl is crying for help, she is scared, but not many people seem to care. The results of this social experiment have really put the HumanMeter team in shock. Why don't we help a lost kid??? -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel