May attitude daw: Alyas Linda, "feelingera" at "GGSS" daw ayon sa mga kapitbahay

May attitude daw: Alyas Linda, "feelingera" at "GGSS" daw ayon sa mga kapitbahay

- Binisita ng team ni Raffy Tulfo ang bahay nina Linda sa Barangay Bambang sa Taguig dahil sa balitang nakaalis na ito roon

- Naroon pa rin ang pamilya na di na lamang pala madalas lumabas ng bahay

- Nagtanong-tanong na rin ang reporter ni Raffy Tulfo sa mga kapitbahay ng pamilya ni Linda at di napigilan ng mga ito na maglabas ng saloobin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sinadya ng team ng Raffy Tulfo in Action ang bahay ni Alyas "Linda" sa Barangay Bambang Taguig City matapos umugong ang balitang nakalipat na raw di umano ito ng bahay.

Kasama ang babaeng anak ni Tatay Alexander Gutal na nasa viral video ng nabugbog sa e-jeep, nakausap ng reporter ni Idol Raffy ang mismong ama ni alyas Linda.

Doon nakumpirma nilang naroon pa ang mag-anak at di totoong nakalipat na ang mga ito.

Ayon pa sa ama, wala na raw siyang dapat pang sabihin at sa korte na lamang sila magsasalita.

Sinamantala na rin ng reporter na magtanong-tanong sa mga kapitbahay ni Alyas Linda kung anong klaseng tao ito sa kanilang lugar.

Halos pare-pareho ang nasasambit ng mga kapitahay nito tungkol kay Linda at sa kanyang pamilya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Lumalabas na mataas daw ang tingin ni Linda sa sarili at hindi marunong makisama sa mga kapwa niya babae roon.

Katunayan, wala raw itong babaeng kaibigan sa kanilang lugar at madalas ay lalaki pa raw ang kasundo nito.

Mapa-matanda man o halos mga ka-edad ni Linda ang nagsasabing dati nang nasasangkot ang pamilya nito sa gulo dahil sa kanya.

Samantala, nahimasmasan naman ang anak ni Tatay Alexander na si Gracey Gutal nang malamang di naman nagtago at umalis ang pamilya ni Linda.

Narito ang kabuuan ng video:

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Translate These Songs Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel