Pinay online seller, nagawang kitilin ang sariling buhay habang naka-Facebook live

Pinay online seller, nagawang kitilin ang sariling buhay habang naka-Facebook live

- Isang online seller ang nagawang magbigti habang naka-live stream

- Nakita ang dalawang pahinang sulat kung bakit niya nagawang bawiin ang sariling buhay

- Nakiusap ang kanyang pamilya na huwag nang ipakalat pa ang larawan lalo na ang video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang online seller mula Barangay Bugo, Cagayan de Oro City ang nagawang bawiin ang sariling buhay habang naka-Facebook live.

Ayon sa Mindanao Gold Star Daily, kinilala ng pulisya ang 40 anyos na si Evangeline Delapos.

Sa pahayag kay M/Sgt. Marvin Yacapin, di lamang nila matiyak kung marami ang nakapanood ng nagawa ni Delapos sa kanyang pag-live stream.

Dagdag ng pulisya, nylon cord ang ginamit nito sa pagbibigti na isinagawa sa kusina ng kanilang bahay sa Villa Trinitas.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa natagpuan dalawang pahinang sulat ng online seller, naihayag pa nito ang matinding problemang pinagdaraan kaya niya binalak na kitilin ang sariling buhay.

Humingi rin ito ng paumanhin sa kanyang nagawa.

Samantala, nakiusap ang pamilya ni Delapos na huwag nang ipakalat pa ang larawan nito na mabilis kumalat sa social media.

Bagaman at nabura na rin sa Facebook ang video ng aktwal na pagtitiwakal, may ilang nakakuha pa rin ng kopya nito kaya naman nakiusap ang pamilya na itigil na ang pagbabahagi pa nito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Translate These Songs Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel