Mga pasyente sa Kidapawan Doctors Hospital, nag-evacuate matapos yanigin ng malakas na lindol

Mga pasyente sa Kidapawan Doctors Hospital, nag-evacuate matapos yanigin ng malakas na lindol

- Isang malakas na lindol ang naminsala sa Mindanao ngayong Martes

- Intensity VII ang naramdaman sa Tulunan at Makilala, Cotabato

- Samantala, nag-evacuate naman ang mga pasyente sa Kidapawan Doctors Hospital

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Niyanig ng isang malakas na lindol ang ilang parte ng Mindanao ngayong Martes ng umaga.

Nalaman ng KAMI na ayon sa PHIVOLCS, ang magnitude 6.4 na lindol ay naramdaman sa Tulunan, Cotabato ng 9:04 a.m. ngayong Oktubre 29.

Ayon sa ulat ng CNN Philippines, naramdaman ang Intensity VII o “destructive shaking” sa Tulunan at Makilala, Cotabato; Kidapawan City, Malungon, at Sarangani.

Samantala, ang mga pasyente naman ng Kidapawan Doctors Hospital ay nag-evacuate dahil sa lindol.

Makikita sa video na ang ilang mga pasyente nga ay nasa kanilang mga hospital bed nang ilabas sa ospital.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sabi ng PHIVOLCS, inaasahan ang pagkakaroon ng mga sira at aftershocks. Subalit, wala namang tsunami threat na nakita ang mga ito.

Naiulat nga ng KAMI noong Oktubre 16 na isang magnitude 6.3 na lindol ang naminsala rin sa Mindanao.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The little girl is crying for help, she is scared, but not many people seem to care. The results of this social experiment have really put the HumanMeter team in shock. Why don't we help a lost kid??? — on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel