Ang "Syota ng Bayan" Priscilla Almeda, nagbabalik sa showbiz after 15 years

Ang "Syota ng Bayan" Priscilla Almeda, nagbabalik sa showbiz after 15 years

- Ang "Syota ng Bayan" Priscilla Almeda, nagbabalik sa showbiz pagkatapos ng halos dalawang dekadang pagkakawala mula sa industriya

- Nakapanayam ang aktres na kilala rin sa kanyang tunay na pangalan na Abby Viduya ng entertainment press

- Dito ay isiniwalat ni Priscilla kung ano ang nangyari sa kanya sa mga taong nawala siya sa spotlight

- At kung bakit siya nagbabalik ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang "Syota ng Bayan" Priscilla Almeda, nagbabalik sa showbiz pagkatapos ng mahigit sa sampung dekadang pagkawala at naispatan ng KAMI ang kuwento sa likod ng kanyang pag-iwan sa spotlight.

Ang "Syota ng Bayan" Priscilla Almeda, nagbabalik sa showbiz after 15 years

Source: Facebook/Priscilla Almeda
Source: Facebook

Pagkatapos nga ng 15 years ng pagkawala mula sa showbiz world ay nagbabalik si Priscilla Almeda o kilala rin sa pangalan niyang Abby Viduya.

Sa ulat ni Ricky Lo, nakapanayam ng The Star ang nagbabalik-showbz na aktres last weekend at dito ay isiniwalat niya ang dahilan ng kanyang pagkawala at kung ano ang ginagawa niya sa mga panahon na iyon.

Bungad pa sa panayam sa kanya tungkol sa pagtawag sa kanya bilang "Syota ng Bayan:"

“That’s how many people remember me for."

Dugtong pa ng Pinay celebrity:

“They watch it on YouTube and girls that I meet tell me…syota ng bayan…and I kind of like it, hehehe!!!”

Ngayon naman sa kanyang late 30s ay inilahad niya ang kuwento sa likod ng kanyang pagkawala at pagbabalik.

Aniya:

“I am back because I miss showbiz, I miss everybody and I want to try showbiz again."

Umalis daw siya ng tahimik pagkatapos gawin ang teleserye na pinamagatang "Sa Puso Ko Iingatan Ka" na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Judy Ann Santos sa Kapamilya network noong June 18, 2001 to February 14, 2003.

I left quietly after a teleserye called Iingatan Ka which starred Piolo Pascual. I went somewhere.”

Tumira sa Alberta, Canada si Priscilla pagkatapos raw ng kanyang pagbabiyahe at nagtrabaho sa isang kompanya na may kinalamana sa high-retirement living habang nagpapalaki ng tatlong anak na may mga edad na 17, 8, at 4.

Patuloy pa na kuwento ni Priscilla, may co-parenting arrangement daw sila ng kanyang partner na ayon pa raw ni Priscilla, "is no longer in the picture" kaya ayaw na rin daw niyang pag-usapan ito.

At habang nasa Pinas daw si Priscilla ay iniwan naman daw niya ang pag-aalaga ng kanyang mga anak sa pangangalaga ng kanyang pamilya sa Canada at may nanny na kasama.

Gusto raw niya na mamuhay ng simple sa Canada na iba sa mundo ng showbiz.

Tila natagalan din ang pagbabalik niya dahil lumaki raw siya ng sobra at nag-promise siya na hindi siya babalik hangga't hindi mababawasan ang kanyang timbang.

Sa kanyang pagbabalik ay sinabi niya na hindi na raw niya pwedeng gawin ang dating mga roles na ginagawa niya dahil hindi na raw ito naaangkop o bagay.

“I cannot do roles that I used to do. It won’t be appropriate. The old Priscilla Almeda is gone. What you will see is the new Priscilla Almeda.”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Gaya ni Priscilla, panandalian din iniwan ni Alice Dixson ang showbiz at sa kanyang pagbabalik isang mas fab, stylish, at gorgeous na Alice na ang bumalik.

At talaga namang beauty with a purpose ang dating beauty queen dahil nag-aalaga ito ng 3 foster kids.

Ang "Syota ng Bayan" Priscilla Almeda, kilala rin sa kanyang tunay na pangalan na Abby Viduya ay isa sa mga sikat na Seiko stars noong 90s.

Huling nakita si Priscilla sa Kapamilya teleserye na "Sa Puso Ko Iingatan Ka."

POPULAR: Read more news about Pinay celebrity here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Our team went out to the streets again to ask ‘Tricky Questions’ to our fellow Pinoys:

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel