Dahil sa selfie, nadiskubre ng isang babae ang 1 krimen na sangkot siya

Dahil sa selfie, nadiskubre ng isang babae ang 1 krimen na sangkot siya

-Hindi akalain ng isang babae na ang simpleng selfie pala ay magbibigay ng napakalaking pagbabago sa buhay na kanyang kinagisnan

-Nang dahil kasi rito ay nadiskubre niya ay ampon lamang at ang masakit pa ay ninakaw lamang pala siya ng kanyang kinagisnang ina

-Ngunit sa kabila ng katotohanan ay hindi pa rin niya nagawang talikuran ang mga magulang na kinilala simula noong siya ay bata pa lamang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nasa final year na sa senior high school ang dalagang si Miché Solomon nang may isang estudyante na tatlong taong mas bata sa kanya ang pumasok sa kanilang eskwelahan at sinabi ng marami na kamukhang-kamukha niya.

Nang makita ito ay laking-gulat nga niya nang mapagtanto ang malaking pagkakahawig nila at may "instant connection" daw siyang naramdaman para sa dalaga na si Cassidy.

"I almost felt like I knew her," anito ayon sa ulat ng BBC. "It was so scary - I couldn't understand why I was feeling like this."

Simula raw noon ay naging mas close pa ang dalawang dalaga. May mga nagtatanong pa nga raw kay Miché kung sigurado ba siya na hindi siya ampon.

Minsang naisipan ng dalawa na mag-selfie at ipinakita iyon sa kanilang mga pamilya. Napansin ng ina ni Miché ang pagkakahawig nila.

Samantalang ang mga magulang naman ni Cassidy na sila Celeste and Morne Nurse ay napaisip at pinakatitigan ang larawan ng dalagang si Miché.

Ipinatanong ng mga Nurse kung ang kaarawan ba ni Miché ay April 30, 1997 na sinagot naman ng "oo" ng dalaga.

Ilang araw ang lumipas nang ipatawag si Miché sa headmaster's office sa kanilang paaralan.

Doon, may naghihintay sa kanyang dalawang social worker ay sinabi sa kanya na may isang sanggol na babae na nangngangalang Zephany Nurse na dinukot sa isang ospital, at 'di na nakita pang muli.

Noong una ay hindi pa maintindihan ng dalaga ang nangyayari kaya naman sinabi ng mga social worker na may mga ebidensiya na siya ang nawawalang sanggol.

Itinanggi ni Miché ito at sinabing sa ibang ospital siya ipinanganak na nakasaad sa kanyang birth certificate ngunit napag-alamang wala siyang record doon.

Maging ang DNA test na isinagawa ay positive rin.

Dahil dito, inaresto ang kinilalang nanay ni Miché na si Lavona Solomon na mas nagpadagdag pa sa nararamdamang sakit ng dalaga dahil sa kanyang nadiskubre.

Samantala, ang kinilalang tatay naman ni Miché na si Michael Solomon ay kinuwestyon din ng mga pulis ngunit napatunayang wala itong alam sa ginawa ng asawa.

Lumabas na pineke ni Lavona ang kanyang panganganak dahil nakunan ito bago naisipang dukutin ang baby pa noon na si Michael at pinalabas na ito ang kanilang anak.

Ngunit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin inamin ni Lavona ang ginawang pagdukot sa kay Miché noon at sa halip ay sinabi nito sa korte na may isang babae na nagngangalang Sylvia ang nag-alok sa kanya ng isang sanggol.

Anito, sinabi ng babaeng si Sylvia na ang sanggol na iyon ay anak ng isang batang babae na hindi kayang palakihin ang bata. Ngunit walang ebidensiya na nag-e-exist si Sylvia.

At kahit pa lumipas na ang dalawang dekada, isang saksi na nakakita kay Lavona na nakasuot ng uniporme ng isang nurse ang positibong itinuro ang suspek at sinabing nakita nito nang kunin ni Lavona ang sanggol habang natutulog si Celeste.

Bagamat kinilala ni Miché ang tunay na pamilya, mas pinili naman niyang mamuhay kasama ang kinagisnang ama.

Dinadalaw pa rin niya si Lavona hanggang sa ngayon at ayon kay Miché ay matagal na niyang pinatawad.

"I think I hated Zephany in the beginning," anito. "She came with such force, such an uninvited invitation, so much suffering and so much pain. But Zephany is the truth and Miché, the 17-year-old girl that I was, she was a lie. So I've managed to balance both names. You can call me Zephany or Miché, it's fine."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Shocking Social Experiment: People Don't Care About Lost Child

The little girl is crying for help, she is scared, but not many people seem to care. The results of this social experiment have really put the HumanMeter team in shock. Why don't we help a lost kid??? -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Tags:
Mailfire view pixel