Inspiring! Guro, binalikan ng isang lalaki dahil sa isang toy gun
- Umantig sa damdamin ng marami at naging usap-usapan sa kanilang lugar ang reunion ng isang guro at ng isang lalaki nang dahil lang sa isang toy gun
- Mahigit dalawang dekada na nang unang magkita ang dalawa sa isang paaralan
- Ngunit ang ginawa ng guro para sa noo'y 4 na taong gulang pa lamang ay nag-iwan ng isang napakatinding damdamin para rito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Naging usap-usapan sa isang bayan sa Cebu ang isang nakakaantig na kwento ng isang guro at ng isang lalaki na nagsimula noong 1995 dahil sa isang toy gun.
Sa isang article ng Cebu Daily News, sa nasabing taon unang nagtagpo ang landas ng gurong si Vilma Veloso at ng photographer na si Chang Euldan.
Naglalakad daw sa harap ng classroom ni teacher Veloso ang noo'y 4 na taong gulang na si Euldan nang tawagin ng guro ang huli at binigyan ng isang toy gun.
Hindi raw guro ni Euldan sa kahit na anong subject si Veloso noon.
“I felt emotional because of the fact that a person who I didn’t know gave me a gift out of nowhere,” ani Euldan.
“I couldn’t describe how I felt that time except for the joy in my heart upon receiving the gift,” dagdag pa nito.
Sabi pa ni Euldan, bigla na lamang daw niyang naalala ang nangyaring iyon sa isang pambihirang paraan ngayong 2019.
“Now, I moved and transferred my studio (Chang Euldan Studio) to Mandaue City. It so happened that it was situated at a Veloso Road, which tickled my heart with laughter since it reminded me again of Mrs. Vilma Veloso," aniya.
Hindi naman naging mahirap para rito ang hanapin ang guro lalo pa ay mayroon namang social media.
“I was in a meeting when I got a call saying that they would want me to be present as they celebrate Mrs. Veloso’s birthday on October 21, so I quickly made my way to Catmon to surprise her,” kwento pa ni Euldan.
“I stopped at the flower shop for a bouquet then I went to a store and bought a toy gun, the unforgettable toy she gave me way back then,” anito.
At pagkatapos nga ng mahigit dalawang dekada ay muling nagkita ang dalawa.
Sabi pa ni Euldan, nang makita niya ang guro ay tila nagbalik sa kanya ang nangyari noong 1995 at naramdaman ang saya sa simpleng pagbibigay lamang.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
We all know that feeling when your favorite song starts playing in the earphones, and you can't resist the temptation to sing along and dance along! -on KAMI
Source: KAMI.com.gh