Kinumpirma ni Trump: ISIS leader, patay sa special operation sa Syria

Kinumpirma ni Trump: ISIS leader, patay sa special operation sa Syria

- Kinumpirma mismo ni President Donald trump ng Amerika ang pagkamatay ni Abu Bakr al-Baghdadi

- Si Baghdadi ang pinuno ng Islamic State (ISIS) at most wanted man sa buong mundo

- Pinatay mismo ng ISIS leader ang sarili matapos na mapunta sa isang dead end tunnel

- Lumabas na positibo sa isinagawang DNA test kay Baghdadi kaya nalaman nilang tamang tao ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pumanaw na ang tinaguriang "world's most wanted man" na si Abu Bakr al-Baghdadi.

Si Baghdadi ang pinuno ng Islamic State (ISIS) na kilalang mga terorista sa buong mundo.

Nalaman ng KAMI na mismong ang presidente ng United States of America na si Donald Trump ang nagkumpirma ng balitang ito.

Ayon kay Trump, namatay ang pinuno ng ISIS sa isinagawang special operation sa northwest Syria.

Naisagawa raw ito ng Amerika sa tulong na rin ng Russia, Turkey, Iraq at ilang mga taga-Syria.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kinumpirma ni Trump: ISIS leader, patay sa special operation sa Syria

source: ABC news
Source: Facebook

Sa ulat ng Rappler, tumakbo sa dead-end si Baghdadi at nang makita niyang wala na siyang kawala, tinanggal niya ang kanyang vest at kinitil ang sariling buhay.

Positibo naman sa isinagawang DNA test si Baghdadi kaya alam nilang tamang tao ang namatay.

Abril ng kasalukuyang taon nang huling nagpakita si Baghdadi sa pamamagitan ng isang video. Dito hinihikayat pa niyang ipaghiganti ang mga kasamahan nilang ISIS na nasawi sa bakbaan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Translate These Songs Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel