Jon Gutierrez, niyakap si Jelai Andres nang muli silang magkita

Jon Gutierrez, niyakap si Jelai Andres nang muli silang magkita

- Isang mahigpit na yakap ang ginawa ni Jon Guierrez sa asawang si Jelai Andres

- Ito ay nang muli silang magkita kamakailan sa isang meet-and-greet event ng kaibigan nilang YouTube vlogger na si Zeinab Harake

- Pitong buwan na ang nakalipas nang pumutok sa social media ang kontrobersiyal nilang hiwalayan dahil sa pambababae umano ng Ex Battalion rapper

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naghiyawan ang mga tao sa meet-and-greet event ng YouTube vlogger na si Zeinab Harake nang muling magkatagpo ang mag-asawang Jelai Andres at Jon Gutierrez.

Hindi pa lumabas si Jon kaagad at tinutukso ni Zeinab ang kaibigan tungkol sa posibilidad na makipagbalikan sa asawang si Jon na kilala din bilang si King Badger.

Ayon naman kay Jelai, magkaibigan sila ni Jon sa kasalukuyan at siya mismong magsasabi kung sakaling magkabalikan man sila tutal ay mag-asawa naman sila.

Dagdag pa niya, nasa proseso pa siya ng healing.

Maya-maya pa ay sorpresang dumating sa event ang mister ni Jelai na si Jon.

Game nakipagkulitan si Jelai kay Jon. Tinanong pa niya ito kung bakit siya pumunta doon.

Sagot ni Jon, "Nami-miss kasi kita... Ito lang yung way para makita ka, e."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Lumapit si Jon upang punasan ang pawis sa mukha ni Jelai, sabay yumakap si Jon sa asawa.

Hindi din tumagal ang pagyakap nila at naghiwalay din agad. Nagpaalam na rin si Jon at muling yumakap kay Jelai.

"Actually, hindi talaga ako parte dito. Pero andito kasi ang asawa ko," saad pa ni Jon.

Matatandaang nakipaghiwalay si Jelai kay Jon noong Marso 2019 matapos nag-viral ang kontrobersiyal na Facebook live ni Toni, ang itinuturong third party sa kanilang relasyon.

Sina Jon at Jelai ay nakilala sa tambalang JoLai, na may 926,000 subscribers sa kanilang YouTube Channel. Napapanood din si Jelai sa GMA-7 romantic-comedy series na One of the Baes. Si Jon naman ay miyembro ng grupong ex-Battalion.

POPULAR: Read more entertainment stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Shocking Social Experiment: People Don't Care About Lost Child | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Check out Human Meter new social experiment video. The little girl is crying for help, she is scared, but not many people seem to care. The results of this social experiment have really put the HumanMeter team in shock. Why don't we help a lost kid?

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel