Rachelle Ann Go, proud "Pinay" sa pagkanta niya sa The World Food Prize 2019

Rachelle Ann Go, proud "Pinay" sa pagkanta niya sa The World Food Prize 2019

- Nakatanggap ng standing ovation ang Filipina international musical theater star na si Rachelle Ann Go

- Naimbitahan siya na magtanghal sa 2019 World Food Prize Laureate Award Ceremony sa Iowa State Capitol Building sa Des Moines, USA

- Nagpasalamat siya sa mga naroon na tumulong sa ating bansa at paulit-ulit niyang sinabi na "home" niya ang Pilipinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang video ni Rachelle Ann Go kung saan nagtanghal siya sa 2019 World Food Prize Laureate Award Ceremony na ginanap sa Iowa State Capitol Building sa Des Moines, USA.

Ayon sa ABS-CBN news, dinaluhan ito ng nasa 800 na delegado mula sa 75 na bansa na naglalayong kilalanin ang mga indibidwal na tumutulong mapaunlad, at maging maayos ang kalidad ng pagkain sa buong mundo.

Kada taon, mga bigating world-class performers ang iniimbitahan sa prestihiyosong pagtitipon na ito.

Taas noong kinanta ni Rachelle Ann ang "Bayan Ko" at iba pang sikat na awitin tulad ng "I Dreamed a Dream," "On My Own," "The Movie in My Mind," at "Defying Gravity."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

At matapos nga niyang kantahin ang "Rise Up", nakatanggap ng standing ovation ang Pinay International broadway singer.

Samantala, naging kapansin-pansin din ang pasasalamat niya sa mga taong naroon na tumulong sa ating bansa at paulit-ulit niyang sinabi na Pilipinas ang kanyang "home" o tahanan.

Dahil dito, lalong humanga ang mga netizens sa pagiging proud Pinoy ni Rachelle Ann.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Translate These Songs Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel