Sen. Go: Bantang pagpull out ng ilang private hospitals sa Philhealth, 'di totoo

Sen. Go: Bantang pagpull out ng ilang private hospitals sa Philhealth, 'di totoo

- Ayon kay Senator Bong Go, hindi totoo ang lumabas na mga balita na may ilang private hospitals ang magpu-pull out na mula sa Philhealth

- Ayon kasi sa mga ulat na lumabas noon lamang nakaraang linggo, ito ay dahil sa mga diumano'y 'unpaid claims' na umabot na sa ilang bilyong piso

- Sinabi rin ng senador na nagkasundo na ang Philhealth at ang PHAPI para patuloy na maserbisyuhan ang taong-bayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nilinaw ni Senator Bong Go na hindi totoo ang mga balitang magpu-pull out na ang ilang mga pribadong ospital mula sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

"Hindi totoo na ang mga private hospital will pull out from PhilHealth. Sana po maging maganda ang mga susunod na panahon ay maganda na ang relasyon nila para sa kapakanan ng mga pasyente," ani Go.

Si Go ang tumatayong chair ng Senate Committee on Health and Demography.

Sabi ni Go, nagkaroon ng "mainit" na meeting ang Philhealth at ang Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) noong Huwebes kaugnay nito.

"Nung nakaraang Huwebes nagkaroon tayo [ng] private meeting with Philhealth and PHAPI. Nagkasundo naman sila, unang-una medyo mainit ang kanilang usapan pero nagkasundo naman sila at naintindihan ko naman both sides," sabi ni Senator Go base sa ulat ng GMA News.

"They have reached an agreement to work together to resolve their issues... They will work closely to resolve the alleged fraudulent claims at tiniyak ng PhilHealth na handa silang makinig at makipag ayos sa pribadong ospital," sabi pa nito.

Nauna nang naibalita na nagbanta ang nasa 600 miyembro ng PHAPI na hindi na ire-renew ang kanilang Philhealth accreditation matapos mabigo ang huli sa pagbibigay ng P2.5 billion na reimbursements.

Sabi naman ni Go, handa ang Philhealth na bayaran ang mga sinasabing 'unpaid claims'.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

We all know that feeling when your favorite song starts playing in the earphones, and you can't resist the temptation to sing along and dance along! -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel