Pag-aangas ng nagpakilalang sundalo sa loob ng bus, sapul sa video

Pag-aangas ng nagpakilalang sundalo sa loob ng bus, sapul sa video

- Nakunan ng isa ring pasahero ang pag-aangas ng isang nagpakilalang sundalo sa loob ng bus

- Sikip at tayuan ang nasakyan na bus at pina-uurong lamang daw ng konduktor ang 'sundalo' nang bigla na itong nanapak

- Nakuha rin daw na gumanti ng konduktor na siyang ikina-init lalo ng ulo ng sundalo

- Bagaman at may mga nagsasabing itigil na ang away, wala ring nagtangkang umawat hanggang sa bumaba na lamang ang sundalo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang video na kuha ng netizen na si Jessa Melody Gahallon Isip kung saan nakunan umano niya ang mainit na komprontasyon sa gitna na konduktor at ng isang pasaherong nagpakilalang sundalo.

Nalaman ng KAMI na bagaman at nasa unahang bahagi ng bus ang kumuha ng video, lakas loob pa rin niyang nakunan ang pangyayari sa bandang likuran naman ng bus.

Kwento ni Jessa, puno na, masikip at tayuan na ang mga pasahero sa gitna ng bus nang bigla na lamang silang nagulat at sinapak na lamang ng nagpakilalang sundalo ang konduktor.

Huli na nang malaman ni Jessa na ang simpleng pagpapa-urong ng konduktor sa sundalo ang naging ugat ng kaguluhan.

Mas lalo pa raw nag-init ang sundalo nang makaganti ang konduktor.

Doon unti-unti na ring nagsibabaan ng bus ang ilang sakay dahil wala halos makaawat sa dalawa.

Samantala, maging ang mga netizens ay tila nag-init din daw ang ulo sa pag-aangas na ginawa ng sundalo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Isa rin po akung driver yan po ang hirap sa mga nag ttarabhu mga pulis sundalo or kung anu anu mga nasa kalsada lahat sa kanila ang tama sana mga maktapat kayung mga abusado"
"Tulfo lang katapat niyang angas mo sundalo ka, abangan ka namin next week"
"Kapag kasi alam mong puno na yung bus, expect mo dapat na may makikiraan, may sisiksik... wag yung iinit pa ulo mo e ikaw naman ang nagpumilit sumakay pa jan"
"E ano kung sundalo ka? kung mali ka, mananagot ka parin sa batas"
"Hala bakit naman yung ibang pasahero nanood lang... sana kinuyog niyo nalang nang magtanda"

Umabot na sa halos 2 million ang views ng video na ito.

Magsilbing aral sana sa atin ang pangyayaring ito. Huwag pairalin ang init ng ulo sa mga bagay na madadaan naman sana sa maayos na usapan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Translate These Songs Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel