Judy Ann Santos, ibinahagi ang kanyang paraan para hindi maging pihikan sa pagkain ang anak

Judy Ann Santos, ibinahagi ang kanyang paraan para hindi maging pihikan sa pagkain ang anak

- Ibinahagi ni Judy Ann Santos ang pagdidisiplina nilang mag-asawa sa kanilang anak pagdating sa pagkain

- Ayon sa maybahay ni Ryan Agoncillo, kinakailangan ang "tough love" para hindi maging pihikan o mahirap pakainin ang mga bata

- Inamin niya din na may mga panahong nakadepende sa mood ang pagkain ng mga anak niya lalo na ang bunsong si Luna

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Judy Ann Santos na kailangan paalalahanan ang mga bata at subukang patikimin ng iba't-ibang pagkain para hindi maging pihikan o mahirap pakainin.

Ayon sa kanya, handang sumubok ng mga pagkaing bago sa kanilang panlasa ang kanyang mga anak na sina Yohan, Lucho, at Luna.

Isa kasi sa lagi nilang pinapaalala ng mag-asawa sa kanilang mga anak ay tikman ang isang pagkain bago sila tumanggi dahil baka magustuhan naman nila ang lasa ng pagkain.

Sa panayam ng Smart Parenting kay Juday, sinabi niya na mas nagiging madali ang buhay niya dahil marami na silang nagugustuhang flavors.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Isa pa sa kanilang palaging ipinapaalala sa kanilang mga anak ay ubusin ang pagkain sa plato, lalo pa't ang mga ito mismo ang naglagay dahil sayang nga naman ang tira.

"Basta kung ano ang ilagay nila sa plato nila, kailangan nila ubusin. Pag ako ang naglagay sa plato nila, ako ‘yong uubos. So sila ang pinaglalagay ko ng kanin," pagbabahagi ni Juday.

Samantala, sa naunang ulat, ipinaliwanag ni Judy Ann kung bakit siya nag-aalinlangan na magkaanak muli sila ng asawang si Ryan Agoncillo.

Si Judy Ann Santos ay kinasal kay Ryan Agoncillo sa San Juan de Nepomuceno Church sa San Juan, Batangas noong April 28, 2009. Una silang nagkakilala sa shooting ng teleseryeng Krystala noong 2004. Naging magkasintahan sila noong 2005 at engaged noong 2008.

POPULAR: Read more about Judy Ann Santos here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Shocking Social Experiment: People Don't Care About Lost Child | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Check out Human Meter new social experiment video. The little girl is crying for help, she is scared, but not many people seem to care. The results of this social experiment have really put the HumanMeter team in shock. Why don't we help a lost kid?

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel