Buntis na misis, masayang kumuha ng isa pang asawa para may mag-alaga sa mister

Buntis na misis, masayang kumuha ng isa pang asawa para may mag-alaga sa mister

- Di nagdalawang-isip ang isang misis sa Malaysia na kumuha pa ng isang asawa ang mister

- Natakot ang misis na mapabayaan ang mister dahil mahihirapan siyang alagaan ito lalo pa at nagdadalang-tao siya

- Maluwag din sa kalooban ng single mom na nakilala ng misis online ang ideya kaya pumayag itong maging pangalawang asawa ng mister

- Sa loob ng mahigit isang taon nilang pagsasamang tatlo, wala pa raw silang nagiging problema

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kakaiba man sa tingin ng publiko ngunit pumayag ang misis na Khuzatul Atiqah na ihanap ng isa pang asawa ang kanyang mister.

Ayon sa Elite Readers, naisipan daw ito ni Atiqah nang siya ay magbuntis. Sa loob kasi ng nasa pitong taon nilang pagsasama, ito raw ang pagkakataon na mahahati ang atensyon niya sa asawa.

Bukod pa rito, may karamdaman pa si Atiqah kaya mas lalong mahirap para sa kanya ang pagdadalang tao.

Binahagi niya ang sentimiyento niyang ito sa Facebook na nakita naman ng single mother na si Nur Fathonah Abdul Rahim.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kalaunan ay naging close ang dalawa at dumating na nga sa punto na naisip ni Atiqah na si Rahim ang babaeng maaring maging pangalawang asawa ng kanyang mister.

Inalok niya ito ng naiisip niyang mangyari at agad naman itong pumayag.

Dahil sila naman ay muslim, pinahihintulutan ang ganitong konsepto kaya naman walang naging problema sa pamilya ng bawat isa.

At sa loob nga raw ng isang taon nilang pagsasamang tatlo, wala pa silang nagiging problema at masaya silang nagsasama.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Translate These Songs Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel