Dala ng kahihiyan: Pamilya ni "Linda" naglipat bahay na raw, ayon sa kanilang barangay

Dala ng kahihiyan: Pamilya ni "Linda" naglipat bahay na raw, ayon sa kanilang barangay

- Matapos mailabas ang iba't ibang cctv footages mula sa e-jeep at sa barangay, mas lalong bumigat ang ebidensya ni Tatay Alexander Gutal na di totoo ang paratang sa kanya

- Dahil dito, tuloy ang kaso na Less Physical injury sa mga sangkot sa di umano'y nambugbog sa kanya

- Maugong na sa barangay nina Linda na lumipat na raw ang pamilya nito dala ng takot at kahihiyan dahil sa marami na raw ang galit sa mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Malapit nang makamit ni tatay Alexander Gutal, ang lalaking inakusahan ng panghihipo sa e-jeep dahil nasampahan na ng kaso ang nasa walong taong sangkot sa pananakit sa kanya.

Sa part 7 ng mga episode tungkol sa kalagayan ni tatay Alexander, nilahad ang mga pangalan ng mga kakasuhan mismo ng matanda at kung anong kaso ang kakaharapin ng mga ito.

Dahil sa patuloy na sinusubaybayan ng programa ni Tulfo ang kasong ito, muli silang bumalik noon sa barangay hall ng Bambang sa Taguig.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Doon napag-alaman nilang maugong ang balitang lumipat na sina Linda at pamilya nito.

Marami na raw kasi ang galit sa mga ito dahil sa nagawa nila sa walang kalaban-laban na matanda.

Dala raw marahil ng kahihiyan, nag-alsa balutan daw ang pamilya nito.

Samantala, kinumusta rin ng staff ng Raffy Tulfo in Action ang kalagayan na ngayon ni tatay Alexander.

May nararamdaman pa ritong sakit ngunit unti-unti na raw ito naghihilom

Narito ang kabuuan ng video:

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Translate These Songs Titles Into English

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel