Hindi laruan: Ina, sinabing may katabing multo ang anak sa crib nito

Hindi laruan: Ina, sinabing may katabing multo ang anak sa crib nito

- Kinilabutan ang isang ina mula sa Illinois nang makita ang "katabi" ng kanyang baby sa crib nito

- Di malaman ng ina ang gagawin nang makita ang isa pang "baby" na katabi kanyang anak

- Halos di raw ito nakatulog sa nakita at talagang binantayan ang anak sa pagtulog nito

- Kinabukasan, doon lamang niya nalamang isang pagkakamali pala ng ng kanyang asawa ang kanyang kinatatakutang katabi ng anak nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng isang ina ang nakakatakot at nakakatawang karanasan nito na nakunan ng kanyang baby monitor sa kwarto ng kanyang anak.

Ayon sa Yahoo news, di makapaniwala ang 32 taong gulang na mommy na si Maritza Cibuls mula Illinois nang makita niyang may katabi ring baby ang kanyang anak sa crib nito.

Nasa trabaho pa naman ang kanyang mister noon nang makunan ng kanyang baby monitor ang inakala niyang multo ng isa pang sanggol.

Nang puntahan naman niya ang kanyang anak, mahimbing naman itong natutulog at tila wala namang kakaibang pangyayari sa kwarto nito.

Aminado si Maritza na ilang beses siyang bumalik sa kwarto ng anak para siguraduhing maayos ang lagay nito.

Hindi laruan: Ina, sinabing may katabing multo ang anak na isa palang pagkakamali ng mister

source: Maritza Cibuls
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hindi laruan: Ina, sinabing may katabing multo ang anak sa crib nito

source: Maritza Cibuls
Source: Facebook

Ang di niya mawari ay ang "multo" raw na katabi ng anak na di naman halos mabago ang posisyon at itsura.

Kinaumagahan, doon lamang daw siya nahimasmasan nang makita pa rin ang "baby" na katabi ng kanyang anak.

Isa pala itong print ng matress na di natanggal ng kanyang asawa nang pinalitan nito ang kumot na nakalatag sa crib ng kanilang baby.

Kaya naman halos di naman mabago ang posisyon ng inakala niyang multo, ay dahil isa pala itong sticker na nakadikit sa matress.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Translate These Songs Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel