Imbis na pagnakawan: Lola, pinakalma at hinalikan pa ng magnanakaw sa isang botika

Imbis na pagnakawan: Lola, pinakalma at hinalikan pa ng magnanakaw sa isang botika

- Kita sa CCTV kung paano pinakalma ng magnanakaw ang lola na namimili sa isang botika

- Imbis na biktimahin din kasi ang matanda, tanging ang botika lang ang pinagnakawan

- Inaabot na ng lola ang pera ngunit tinanggihan ito ng magnanakaw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang botika sa Brazil ang nilooban ng dalawang lalaking naka-helmet.

Ngunit kakaiba ang nangyari pa rito matapos tanggihan ng isang magnanakaw ang pera ng lola na customer sa botika.

Ayon sa Inquirer, inaabot na umano ng lola ang sarili niyang pera sa isa sa mga magnanakaw ngunit imbis na tanggapin sinabi pa nitong di nila kailangan ang pera nito at ang kailangan lamang nitong gawin ay manahimik.

Hindi lamang iyon, kitang-kita rin sa security footage ng botika kung paano tinatapik ng magnanakaw ang lola habang ninanakawan na ng isa pa nitong kasama ang lugar.

Tila pinakakalma pa ng magnanakaw ang lola habang pareho silang nanonood sa ginagawa ng isa nitong kasama.

Matapos na malimas ang laman ng kaha sa botika, nakuha pang halikan sa noo ang lola ng magnanakaw na nagpakalma rin sa kanya.

Nasa $240 o nasa ₱12,300 din ang nakuha ng mga magnanakaw sa botika.

Samantala, patuloy pa ring pinaghahanap ng awtoridad ang dalawang lalaking ito na agad na nakatakas matapos ang pagnanakaw.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang CCTV footage mula sa YouTube:

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel