Mekeni meat products, isa di umano sa brand na positibo sa African Swine Fever

Mekeni meat products, isa di umano sa brand na positibo sa African Swine Fever

- 3 brand ng mga processed meat products ang lumabas na positibo sa African Swine Fever

- Di agad napangalanan ang mga brand na sa unang nailabas na balita ay mga "imported"

- Nagulat maging ang CEO ng Mekeni sa alegasyong ito gayung maingat naman daw nilang idinadaan sa masusing proseso ang paggawa ng kanilang produkto

- Maghahain din sila ng legal na aksyon ukol dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nilabas na ang isa sa mga sinasabing brand ng processed meat products na positbo sa African Swine Fever (ASF).

Ngunit taliwas sa naunang naibalita ng KAMI na imported di umano ang mga brands na ito, lumabas na "Mekeni" na isang local brand ay positibo rin sa ASF.

Dahil dito, laking gulat din ng CEO ng Mekeni na si Prudencio Garcia na lumabas ang pangalan ng kanilang kompanyang alam niyang masusi ang pagpoproseso ng kanilang produkto sa Pampanga.

Ayon sa ulat ni Maureen Simeon ng Philippine Star, kinumpirma ng Bureau of Animal Industry na kasama ang Mekeni na lumabas na positibo sa ASF sa isinagawa nilang test noong Oktubre 15.

Dahil dito, "recall" ang nakikitang aksyon ng gobyerno na dapat daw pangunahan ng Department of Health-Food and Drug Administration.

Nilinaw naman ng Food and Drug Administration na wala namang epekto sa tao kung sakaling makakain ito ng produtong nagpositibo sa ASF.

Samantala, nakikipag-usap na ang CEO sa kanilang legal team ukol dito.

Nais kasi nilang malaman kung paano isinagawa ang test at kung saan nakuha ang sample na maaring "planted" na upang siraan lamang ang kanilang kompanya.

Ang iba pang sample ng processed meat products na positibo rin sa ASF ay mga homemade at unbranded.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Translate These Songs Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel