Video ng ginawa ng ama ni "Linda" sa lalaki nang dalhin ito sa barangay, nilabas na

Video ng ginawa ng ama ni "Linda" sa lalaki nang dalhin ito sa barangay, nilabas na

- Binahagi ng isang netizen ang video ng pananakit ng ama ni alyas "Linda" kay Mang Alexander na kuha sa Barangay Bambang Taguig City

- Makikita kung paano sinugod di lamang ng ama ni Linda si Alexander Gutal kundi ilang lalaki pa na kasama nito

- Umaawat naman ang ilang taga-barangay kaya naman kahit na paano'y natigil na rin ang tuluyang pananakit sa walang laban na jeepney driver

- Desidido na ang pamilya ni Mang Alexander Gutal na kasuhan si Alyas Linda gayundin ang ama nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng netizen na si Romeo Manuel ang CCTV footage na kuha sa Barangay Bambang, Taguig City sa oras na dinala roon si Alexander Gutal, ang lalaking inakusahan di umano ni Dimples Morcillo alyas "Linda" ng pambabastos sa kanya sa e-jeep.

Sa video, makikita kung paano sinugod ng ama ni Linda ang walang kalaban-laban na si Mang Alexander.

Ang masama pa nito, di lamang ang ama ni Linda ang sumugod kundi maging ang mga kasamang lalaki nito na napasugod din sa barangay.

Mapapansing inawat na ito ng mga taga-barangay dahil sa napuruhan na nga ang jeepney driver.

Tumugma ito sa panayam mismo ng Raffy Tulfo in Action kay Mang Alexander nang pumunta sila sa barangay at isinalaysay nito ang nangyari sa kanya roon.

Sabi niya, halos wala na siya sa ulirat dahil sa tindi ng pananakit na kanyang natamo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Makikita rin kung gaano katapang ang ina ni Linda sa barangay na panay din ang panghahamba nito kay Mang Alexander. Taliwas naman sa itsura nito nang nangmamakaawa na ito na iurong ang kaso laban sa kanyang anak.

Desidido na kasi na magsampa ng kaso ang pamilya ng nabugbog na lalaki kina Linda at ama nito kaya ganoon na lamang ang paghingi ng dispensa ng panig nina Linda.

Kamakailan lamang ay nakaharap na rin ni Mang Alexander ang driver ng e-jeep na si Jowel Espiritu at konduktor nito na binabalak din nilang kasuhan sa pang-uudyok nitong saktan ang inakusahan ng panghihipo. Una na itong naiulat ng KAMI.

Samantala, narito ang video na kuha sa Barangay:

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Translate These Songs Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel