Pinaghahanap na: Aktwal na pagnanakaw sa isang pet salon, sapul sa CCTV

Pinaghahanap na: Aktwal na pagnanakaw sa isang pet salon, sapul sa CCTV

- Sapul sa CCTV ang aktwal na paghahalughog ng empleyado sa isang pet salon ng mga gamit na maari niyang manakaw

- Masama ang loob ng store owner lalo na at nanakaw din ang cellphone ng isa pa niyang empleyado na unang beses pa lamang nagka-smartphone

- Pinaghahanap na ang lalaking ito dahil sa patong-patong na kasong naisampa ng store owner

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng mismong store owner na si Rosemarie Peñamora Tan ang mga kuha ng CCTV sa aktwal na pagnanakaw ng di umano'y dati niyang empleyadong si Joe Angelo Litao.

Pera, cellphone at ilan pang mahahalagang gamit ng iba pang empleyado ang nakulimbat ng lalaking ito.

Ayon pa sa store owner, masama ang loob niya lalo pa at nanakaw din ang pinag-ipunang smartphone ng isa pa niyang empleyado na unang beses pa lamang magkaroon ng ganoong cellphone.

Kitang-kita sa video ang mga pasimpleng paghahalughog ng lalaki sa mga gamit sa pet salon.

Sa naunang post ni Rosemarie, nabanggit niyang tinangka na pala talaga ng lalaking ito na pasukin maging ang kwarto niya sa store. Idinahilan nitong nais niyang maligo at naiinitan siya.

Mabuti na lamang at nasaway siya ng kanyang katrabaho at sinabing kaya lamang ito init na init ay dahil nakasuot ito ng jacket.

Iyon pala, sa jacket niya ilalagay ang mga gamit na kanyang makukulimbat.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang video:

Samantala, pinaghahanap na ang suspek na haharap sa kasong pagnanakaw.

Maging babala raw ito lalo na sa may mga negosyo. Maaring magpanggap lamang daw kasi ang lalaking ito na nais magtrabaho dahil sa pamilyadong tao na siya, iyon pala ay pagnanakaw ang totoong motibo nito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Translate These Songs Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel