Netizen, sumulat ng 1 open letter para sa mga kritiko ni Pangulong Duterte

Netizen, sumulat ng 1 open letter para sa mga kritiko ni Pangulong Duterte

- Sa pamamagitan ng social media nagbahagi ng isang open letter ang isang netizen para sa mga kritiko ni Pangulong Duterte

- Kalakip ng post na ito ng netizen ay larawan ni PRRD noong bumisita ito sa Japan at napabalitang maaga itong umuwi dahil sa pananakit ng likod

- Kinondena rin ng netizen ang mga taong kumukutya at humiling pa ng masama para sa pangulo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang mensahe ang ipinabatid ng isang netizen para sa mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng social media.

Sa Facebook post ng netizen na si Noel Landero Sarifa, sumulat ito ng isang open letter kalakip ang larawan ng pangulo noong bumisita ito sa Japan at nakaramdam ng pananakit ng likod.

"Sa mga Kritiko ni Duterte, Look At our President! He is Old, He is in Pain but he never stops in serving his people," ayon kay Sarifa.

Binigyang-diin din nito ang patuloy na pagsisilbi ni PRRD sa kabila ng karamdaman.

Ayon sa Malacañang, ang pananakit ng likod ng pangulo ay dahil sa pagkaka-aksidente nito sa motorsiklo kamakalian.

Samantala, kinondena rin ng netizen ang mga taong kumukutya at humihiling pa ng masama para sa presidente.

"All I ask from you is to help us build a nation. see the goodness in him, see the purpose of what he does, not just on what wrong you think he is doing.

"Ilang dekada na akong nabubuhay bilang Pilipino pero ngaun lang tayo nagkaroon ng presidente na puro trabaho.

"Let us take advantage of this times, imbes na batuhin, tawanan, kutyain at puro na lang kontra, meron pang gusto na syang mamatay," sabi pa ni Sarifa.

"He is doing this for us, ako, tayo, kasama ka. Sana lang imbes na magreklamo, itanong mo na lang sa sarili mo, " Ano ba ang maitutulong ko?" at sa kaunting paraan na alam mo tumulong tayo.

"This is the time na ipakita natin sa mundo na kaya nating magka-isa para sa bayan. Hindi dahil sa political preference natin.

"This is the time na magkapit bisig tayo para ibangon ang Pilipinas. Let us be proud pinoy, sa salita, sa isip at sa gawa," dagdag pa ni Sarifa.

"Building a nation is a NOT A ONE MAN JOB, IT IS OUR JOB!" ani pa nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions Celebrity Special: Maine Mendoza And Carlo Aquino

Maine Mendoza and Carlo Aquino answering tricky questions from HumanMeter. And they just can't stop laughing, we can't either! -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel