"Makakalala lang," Judy Ann Santos nang hiningan ng reaksyon sa isyu ng Barretto family ngayon

"Makakalala lang," Judy Ann Santos nang hiningan ng reaksyon sa isyu ng Barretto family ngayon

- "Makakalala lang," parte ng pahayag ni Judy Ann Santos nang hiningan siya ng opinyon o reaksyon kaugnay sa isyu ngayon sa pagitan ng Barretto family

- Kahit ano raw ang sabihin niya at ng kahit sino kaugnay sa isyu ngayon ng magkakapatid at magkakapamilya ay lalo lang itong palalain

- Hayaan na lang daw muna sila at itago na lang din daw ang opinyon natin sa ating sarili

- Ani niya private matter daw ito at kung gusto raw natin na suportahan ang pamilya manahimik na lang daw ang lahat dahil away pamilya ito

- Nagbigay rin ng paalala si Juday sa lahat ng mga netizens sa online world kaugnay sa pagbibigay opinyon

- At sa huli ay ipinagdasal ng 'Starla' lead star na maayos ang lahat

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Makakalala lang," ang parte ng pahayag ni Judy Ann Santos na naispatan ng KAMI nang tanungin sa kanyang opinyon kaugnay sa mainit na isyu ngayon ng Barretto family.

"Makakalala lang," Judy Ann Santos nang hiningan ng reaksyon sa isyu ng Barretto family ngayon

Source: Instagram/Claudine Barretto/Denise Go Ochoa/Marjorie Barretto
Source: Instagram

Sa presscon ng bagong produkto na iniindorso ni 'Starla' lead actress Judy Ann Santos ay hiningan siya ng kanyang opinyon o reaksyon kaugnay sa isyu ngayon sa pagitan ng magkakapatid na sina Gretchen, Claudine, at Marjorie Barretto.

Ani pa ni Juday, sa ulat ni Ratziel San Juan ng Phil Star:

"My stand on it? It's a very private matter."

Patuloy pa na pahayag niya:

“Whatever I, we, they say about the issue, it will just...nakakadagdag lang siya sa effect. Kumbaga, makakasira lang siya o makakalala lang siya ng sitwasyon.”

May paalala naman si Judy Ann sa lahat ng mga netizens o tao na gumagamit ng social media.

“Even if there is social media, there is a point when you have to draw the line as a follower. Yung opinions mo, basher ka man o hindi, isipin mo na lang, gusto mo bang may magsabi no’n sa’yo, pag nandyan ka sa sitwasyon na yan."

Dugtong pa ng aktres:

“And we really don’t know naman kung ano talaga 'yung pinag-ugatan. So I think it’s unfair for all of them to be judged at this point.”

Pagtatapos pa niya:

“Ako, I am friends with them and I hope and pray na, you know, lahat naman ng may ganitong issues, may ending naman.”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ipinaliwanag din ni Judy Ann Santos kamakailan, kung bakit natatakot siya magkaroon ng isa pang anak ni Ryan Agoncillo.

Judy Ann Santos, award-winning actres na nakilala rin bilang Soap Opera Queen at Prime Superstar dahil sa kanyang angking galing sa pag-arte sa mga hit Kapamilya teleserye. Ikinasal kay Ryan Agoncillo at nabiyayaan ng tatlong anak na sina Yohan, Lucio, at Luna.

POPULAR: Read more news about Judy Ann Santos here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Our team went out to the streets again to ask ‘Tricky Questions’ to our fellow Pinoys:

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel