Netizen, tinulungan ang isang lolo manawagan para sa nawawalang anak

Netizen, tinulungan ang isang lolo manawagan para sa nawawalang anak

- Isang netizen ang nanawagan para sa isang lolo na hinahanap ang anak niya

- Ayon sa netizen, nagbebenta ng ice cream si tatay upang makapag-ipon para sa paghahanap

- Nagtanan daw umano ang anak at nobyo nito at hindi na muling nakita ni lolo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Viral sa social media ngayon nag isang lolo na hinahanap ang kanyang anak.

Nalaman ng KAMI na matagal nang hinahanap ni tatay Nelson Ermino ang anak niyang babae.

Ayon sa Twitter post ng netizen na si Sunny Baudelaire, ang pangalan ng anak ni tatay ay si Virginia Ermino.

“Hello po nanawagan po ako kay Virginia Ermino. Hinahanap pa rin po kayo ng tatay niyo hanggang ngayon,” sabi niya sa isang tweet.

“Hi twitter citizens help lolo naman to find his daughter,” dagdag pa nito.

Sa ibang tweet naman, sabi ni Sunny na ayon kay tatay, nagtanan daw umano ang anak niya. Bagamat hindi sinabi ang pangalan ng lalaki, sabi naman ni tatay na naging kaklase ito ng anak niya noon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Huling nakita pa raw ni tatay ang kanyang anak ay noong nasa 30s niya pa ito. Dagdag pa ng netizen, nagbebenta ng ice cream si tatay upang makapag-ipon para mahanap ang anak niya.

Nagtulong-tulong din ang mga netizens na ipakalat ang impormasyon at kwento ni tatay. Kasalukuyang umani ang post ng 14,200 retweets at 12,700 likes.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Translate These Songs Titles Into English — on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel