3 brand ng hotdog, tocino at longganisa, positibo sa African Swine fever

3 brand ng hotdog, tocino at longganisa, positibo sa African Swine fever

- Naalarma ang publiko nang mapa-balitang maging ang mga processed meat products tulad ng hotdog, tocino at longganisa at apektado rin ng African Swine fever

- Bagaman at di napangalanan ang mga brands na ito, ibayong pagsusuri na ang gagawin lalo na sa mga imported processed meat products na pumapasok sa bansa

- Kinumpirma rin ng Department of Agriculture na ang Rizal, Bulacan, Pampanga, Pangasinan, Quezon City, Cavite at Nueva Ecija ay may mga kumpirmadong kaso ng ASF

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tatlong brand ng mga processed meat products ang lumabas na positibo sa African Swine fever (ASF).

Ayon sa ABS-CBN news natanggap umano ng Philippine Association of Meat Processors Inc o PAMPI ang impormasyong ito sa mga reporters at hog raisers at hindi sa awtoridad.

Sa ulat ng Philippine Star, Oktubre 15 nang magbigay ang isang clinical laboratory ng resulta ng isinagawa nilang test na tatlong meat samples ang positibo sa ASF.

Dagdag pa ni Rex Agarrado ng PAMPI, wala rin sa report na kanilang natanggap ang pangalan ng mga imported brands na ito na kontaminado ng virus na ito.

Paliwanag naman ng Agriculture group na Samahang Industriya ng Agrikultura (Sinag), nangangahulugan lamang daw na hindi totoo ang sinasabing mamatay na rin ang virus ng ASF kung ito ay dumaan sa heating process o pagluluto.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil dito, nasa 50 billion pesos na ang nawala sa sales ng PAMPI lalo pa at papasok na ang panahon ng kapaskuhan.

Dahil dito, magiging mas mahigpit pa ang pagpapasok ng mga imported na karne sa bansa.

Sa paglapag pa lamang daw ng mga produkto sa bansa, agad na daraan na ito sa masusing proseso ng Department of Agriculture at Department of Health.

Handa raw na magsampa ng kaukulang kaso ang Sinag sa mga di susunod sa patakarang ito.

Samantala, kinumpirma pa rin ng Department of Agriculture na may kaso pa rin ng ASF sa Rizal, Bulacan, Pampanga, Pangasinan, Quezon City, Cavite at maging sa Nueva Ecija

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Wanna see how Maine Mendoza and Carlo Aquino giggle while answering some tricky questions? Check this out!

Tricky Questions Celebrity Special: Maine Mendoza And Carlo Aquino | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel