Netizens, nagtaka sa pagkawala ng "Tulflix" sa Playstore

Netizens, nagtaka sa pagkawala ng "Tulflix" sa Playstore

- Nagkaroon ng downloadable application na Tulflix kamakailan

- Tinatayang nasa 5,000 na ang nakapag-download ng naturang app mula sa Google Playstore

- Mapapanood kasi rito ang mala-Netflix na mga episodes ng inaabangan araw-araw na episodes ng Raffy Tulfo in Action

- Sa kasamaang palad, ilang oras lamang nang maibalitang maari na itong ma-download, bigla na lamang itong nawala sa Google Playstore

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Natuwa na raw sana ang mga netizens nang malamang nagkatotoo na ang pagkakaroong 'Tulflix'.

Ayon sa Sunstar, gawa raw ng application na ito ng developer na ScriptRepublic.

Nalaman ng KAMI na para itong 'Netflix' ngunit ang mapapanood dito ay ang mga episodes ng Raffy Tulfo in Action.

Isa na kasi ito ngayon sa mga pinakaaabangang programa ng mga Pinoy dahil sa dami ng mga nakaka-relate sa mga kwento ng dumudulog sa kanilang Idol Raffy.

Mayroon na raw 5,000 na nakapag-download ng app mula sa Google Playstore at may laki lamang itong 4MB.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit, matapos mabalitaan ang pagkakaroon ng app na ito, laking gulat ng mga netizens na agad itong nawala sa Playstore.

Ang ilan ay nagsasabing maaring wala itong pahintulot mula kay Raffy Tulfo habang ang ilan naman ay nagsasabing maari naman daw kasi itong mapanood sa social media.

Gayunpaman, marami ang nanghinayang na di nagtagal ang pagkakaroon ng app na ito.

Balik na lamang daw sila sa pagsubaybay ng programa sa YouTube.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Wanna see how Maine Mendoza and Carlo Aquino giggle while answering some tricky questions? Check this out!

Tricky Questions Celebrity Special: Maine Mendoza And Carlo Aquino | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel