Misis ng namayapang Senator Nene Pimentel, sumulat ng awitin para sa yumaong mister

Misis ng namayapang Senator Nene Pimentel, sumulat ng awitin para sa yumaong mister

- Nakagawa ng nakakatunaw ng pusong kanta ang asawa ni Senator Nene Pimentel na si Lourdes "Bing" Pimentel para sa yumaong asawa

- Minsan na kasi siyang sinabihan ng mister na huwag iiyak lalo na sa mga kinakaharap nito bilang isa sa pinagpipitaganang naging senador ng ating bansa

- Nagpasalamat rin ang pamilya sa mga nakiramay at nag-alay ng dasal sa yumaong senador

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang emosyonal na kanta ang inialay ng misis ni Senator Nene Pimentel na si Lourdes "Bing" Pimentel para sa yumaong asawa.

Binahagi ng ABS-CBN ang kopya ng awiting "Just Let me cry" na naisulat at nakanta pa ni Bing para sa mister.

Sa loob ng halos anim na araw sa ICU ng dating senador, paulit-ulit daw niya itong kinakanta sa nanghihina nang asawa hanggang sa huli nitong hininga.

Una nang naibalita ng KAMI na pumanaw ang dating senador noong Oktubre 20.

Kwento pa ni Bing, minsan na siyang sinabihan ng mister na huwag iiyak lalo na sa mga kinahaharap nitong pagsubok bilang isa sa mga pinagpipitaganang senador ng bansa

Kaya naman ngayong namayapa na ang dating senador, akma raw ang kantang "Just let me cry" sa sitwasyon.

"I was crying and singing in his death bed. Ang kanta ko (my song was), ‘Just let me cry'... I accept everything and I offer everything to God,” ayon kay Bing sa panayam sa kanya ng mga reporters.

Maging sa mga huling araw daw ng dating senador ay iniisip nito ang manuscript tungkol sa pederalismo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Magdiriwang sana ng ika-60 anibersaryo ang mag-asawa sa susunod na taon.

Samantala, nagpapasalamat din ang misis ng namayapang senador sa lahat ng nakiramay at nag-alay ng panalangin sa kanyang mister sa panahong kailangan talaga ito ng kanilang pamilya.

Narito ang kabuuan na pahayag ni Mrs. Pimentel sa media:

Si Pimentel ay nagsilbi bilang Senate President mula Nobyembre 2000 hanggang July 2001.

Tatlong termino ang kanyang napaglingkuran partikular na sa mga taong 1987-1992, 1998-2004, 2004-2010.

Siya rin ang nagbuo ng Partido Demokratiko Pilipino noong 1982 at nakiisa sa Lakas ng Bayan noong 1986.

Matatandaang siya rin ang Senate President na umasiste kay dating Chief Justice Hilario Davide Jr. bilang presiding officer sa impeachment trial laban kay dating president Joseph Estrada.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Wanna see how Maine Mendoza and Carlo Aquino giggle while answering some tricky questions? Check this out!

Tricky Questions Celebrity Special: Maine Mendoza And Carlo Aquino | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel