Sen. Koko Pimentel, hindi napigilang bumuhos ang luha sa burol ng amang si Nene Pimentel

Sen. Koko Pimentel, hindi napigilang bumuhos ang luha sa burol ng amang si Nene Pimentel

- Nagsagawa ng necrological service para kay dating Senate President Nene Pimentel sa Senado

- Habang nagbibigay ng mensahe ay bumuhos ang luha ni Senator Koko Pimentel

- Labis din ang pasasalamat ni Senator Pimentel sa mga taong tumulong sa kanyang ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi napigilan ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III ang maging emosyonal nang siya ay magbigay ng eulogy para sa kanyang namayapang ama na si dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel Jr.

Nalaman ng KAMI na bumuhos ang luha ni Sen. Pimentel nang siya ay magbigay ng mensahe para sa kanyang tatay sa harap ng kanyang mga kasamahan sa Senado.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, labis ang pasasalamat ni Sen. Pimentel sa mga taong tumulong sa kanyang ama lalo na noong nanunungkulan pa ito sa Senado.

“Thank you for helping Tatay achieve his vision and goals as a legislator,” sabi ni Sen. Pimentel.

“Working on these landmark laws fulfilled him, made him happy. Thank you for helping him realize his dreams of a fairer, more productive Philippines,” dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nauna nang naiulat ng KAMI na pumanaw na si dating Senate President Nene Pimentel sa edad na 85. Nagkaroon siya ng sakit na lymphoma at namalagi sa loob ng intensive care unit (ICU) 6 na araw bago siya pumanaw.

Si Nene Pimentel ay kilala bilang opposition leader noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Siya ay nagsilbing Senate President noong 2000 hanggang 2001.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Translate These Songs Titles Into English — on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel