Dalaga na pumanaw, binigyan pa rin ng emosyonal na debut ng mga kaibigan at pamilya niya

Dalaga na pumanaw, binigyan pa rin ng emosyonal na debut ng mga kaibigan at pamilya niya

- Isang dalaga ang pumanaw bago pa man niya ipagdiwang ang debut niya

- Anim na araw bago ang debut ng dalaga ay pumanaw ito dahil sa isang aksidente

- Kahit na namayapa na, tinuloy pa rin ng mga kaibigan at pamilya niya ang debut

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang 18 anyos na dalaga ang pumanaw nang maaksidente ang motorsiklong sinasakyan nito sa Sultan Kudarat.

Nalaman ng KAMI na 6 araw bago ang debut ni Perce Cabagay ay binawian ito ng buhay.

Ayon sa balita ng Saksi, kahit na namayapa na si Perce ay natuloy pa rin ang kanyang debut na pinaghandaan ng mga kaibigan at pamilya niya.

Punong-puno ng kulay pink ang naging selebrasyon para kay Perce. Natuloy din ang tradisyunal na cotillion, maging ang 18 roses at 18 cupcakes.

Ngunit dahil nasa kabaong na si Perce, pinatong na lang dito ang mga rosas at cupcakes na may kandila pa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Happy din kami sir kasi alam namin na happy din siya. Ang dream niya makapagtapos ng pag-aaral so ngayong wala na siya kami na ang magpapatuloy para sa kanya, laban lang talaga kami,” sabi ng isang kaibigan ni Perce.

Kahit na nagluluksa ay nagtulong-tulong pa rin ang mga mahal sa buhay ni Perce upang maibigay ang debut na kanyang inaasam-asam noong nabubuhay pa siya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Translate These Songs Titles Into English — on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel