Marlo Mortel, ikinuwento na nagkasabay pala sila ni Alden Richards sa isang artista search

Marlo Mortel, ikinuwento na nagkasabay pala sila ni Alden Richards sa isang artista search

- Marlo Mortel, isiniwalat sa isang interview na nagkasabay pala sila ni Alden Richards sa isang artista search

- Naikuwento rin ng Kapamilya star ang hirap na pinagdaanan sa showbiz world bago pa man nakagawa na ng kanyang pangalan

- Inamin din niya na marami siyang contest na pinagdaanan na di siya pinalad pero di siya sumuko

- Naging mainstay din pala siya sa Walang Tulugan dati ni Kuya Germs sa GMA

- Ibinunyag din niya na dati siyang Kapuso bago pa man siya naging Kapamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marlo Mortel, isiniwalat sa isang panayaman na napag-alaman ng KAMI na nakasabay pala niya si Alden Richards sa pag-audition sa isang artista search.

Marlo Mortel, ikinuwento na nagkasabay pala sila ni Alden Richards sa isang artista search

Source: Instagram/Marlo Mortel/Alden Richards
Source: Instagram

Naikuwento nga ni Marlo Mortel sa exclusive interview ni Leo Bukas ng Push na nagkasabay pala sila ni Alden Richards sa isang artista search.

Bukod pa rito ay isiniwalat din niya na dito raw siya na discover ni German "Kuya Germs" Moreno at kinuha sa dating show na 'Walang Tulugan.'

Sumali rin siya sa X Factor pero natanggal naman daw siya dito.

Natatawang kuwento pa umano ni Marlo:

“Sumali din ako sa isang artista search, kasabay ko sina Alden Richards, nakapasok naman ako hanggang top 30 at do’n ako kinuha ni Kuya Germs hanggang sa lagi na akong kumakanta sa Walang Tulugan. Tapos sumali na naman ako sa contest, sa X Factor pero ayun, tanggal na naman ako."

Ibinahagi din niya kung paano siya napunta sa Kapamilya network.

Aniya:

“Kasi ang tagal kong nagta-try sa GMA noon pero hindi naman ako napapansin that time. So nung nakita ko yung commercial ng X Factor, nag-quit ako sa Walang Tulugan."

Shinare naman dati ng Wish 107.5 na sumali sa 5th season ng StarStruck si Marlo Mortel pero ang kanyang pangalan na ginagamit noon ay Marlowe Pamintuan.

Matatandaan na sumali rin dito si Alden Richards. Kasabay nila sina Rocco Nacino, Sef Cadayona, Enzo Pineda, at ang nagwagi bilang StarStruck V Female Ultimate Survivor na si Sarah Lahbati.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kamakailan naman ay isiniwalat ni Betong Sumaya ang ugali ni Alden Richards sa likod ng kamera.

Marlo Mortel, Kapamilya singer-actor na unang nag-audition sa 'Are You the Next Big Star?' ng Kapuso.

Umagaw ng pansin sa 'Be Careful with My Heart' at ngayon ay isa ng certified Star Magic at Star Music talent.

POPULAR: Read more news about Kapamilya actors here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Our team went out to the streets again to ask ‘Tricky Questions’ to our fellow Pinoys:

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel