Magtataho, ibinahagi ang kanyang buhay bilang sikat na tindero sa UP Diliman

Magtataho, ibinahagi ang kanyang buhay bilang sikat na tindero sa UP Diliman

- Isang magtataho ang naging sikat na tindero sa UP Diliman

- Nakilala si Kuya Bon dahil sa kanyang tagal na pagtitinda ng taho

- Giit niya, ang pagiging magtataho ang gusto na niyang gawin panghabambuhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tampok sa social media ngayon ang isang magtataho dahil sa kanyang tagal na paghahanapbuhay sa University of the Philippines-Diliman.

Nalaman ng KAMI na ang 39-years-old na magtataho ay 24 years na naglalako para sa mga estudyante, guro, at coach sa UP Diliman.

Ayon sa Facebook post ng Humans of Diliman 2019, 15 anyos pa lang si Kuya Bon ay naglalako na siya ng taho upang ipagpatuloy ang naging negosyo ng pamilya nila.

Alas-7 pa lang ay nakapwesto na kagad si Kuya Bon sa CHK gym. At dahil mabilis maubos ang paninda niya, uuwi siya ng tanghali upang punuin muli ang kanyang tatlong gallon na lagayan ng taho.

Kapag sumapit naman ang 3 p.m. ay babalik na siya ulit ng UP at maghihintay hanggang 9 p.m. kapag tapos na ang training ng mga atleta.

Kahit na nakakapagod ang kanyang trabaho, proud naman si Kuya Bon dito at masaya rin siyang makilala ang mga sikat na atleta at coach sa UP.

Ayon kay Kuya Bon, kahit na sapat lang ang kanyang kinikita ay hindi niya ititigil ang pagbebenta ng taho dahil dito siya masaya.

“Sobrang masaya na ako dito. Panghabangbuhay ko na 'tong gustong gawin.”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Natuwa rin ang ilang mga netizens sa patuloy na pagseserbisyo niya para sa mga estudyante. Narito ang kanilang mga komento sa Facebook post:

“You are blessed”
“there's always blessing for a good man. be patient in waiting.”
“He is truly rich in every sense of the word. It is the wealth within that makes one really rich.”
“Lodi ito! Saludo!”
“Actually, Kuya Bon is a very kind and softhearted person, he gives my teammate a taho for free everyday because my teammate doesn't have enough money to buy anything in UP kiosk or canteens.”

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Translate These Songs Titles Into English — on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Kurt Yap avatar

Kurt Yap (Editor)