Erwin Tulfo, may matinding banat sa kontrobersyal na cheer ng UP Skimmers

Erwin Tulfo, may matinding banat sa kontrobersyal na cheer ng UP Skimmers

- May matinding banat ang sikat na mamamahayag na si Erwin Tulfo sa viral cheer routine ng UP Visayas Skimmers

- Kamakailan kasi ay nag-perform ang ilang estudyante mula sa nasabing unibersidad ng isang cheer na naging kontrobersyal dahil sa pangbabatikos nito sa Duterte administration

- Umaalma ang UPV matapos mabatikos ang kanilang kontrobersyal na cheer lalo na ng mga taga-suporta ng Duterte administration

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

May matinding banat ang sikat na mamamahayag na si Erwin Tulfo sa viral na cheer routine ng University of the Philippines Visayas Skimmers.

“Bakit daw magagalit ang mga Duterte supporters eh yun daw ay freedom of expression... Naiintindihan ko yung sinasabi ninyo ma’am at sir sa UP, mayroon po tayong kalayaan sa pamamahayag,” ani Tulfo sa kanyang programa.

Kamakailan ay nag-viral ang UPV Skimmers dahil ang kanilang cheer na bumabatikos sa administrasyong Duterte at tumalakay sa ilang isyu sa bansa.

Tila raw kasi inuudyukan ang mga nanonood sa kanila na patayin ang presidente ng bansa.

“Pero kung ang freedom na yan ay sumusupil sa isa pang kalayaan eh hindi na po magiging freedom yan, kapag niyuyurakan mo na yung kalayaan ng iba ay bawal,” sabi pa ni Tulfo.

“Kayong mga taga-UP at estudyante na aktibista na makakaliwa, pare-pareho tayong naging estudyante.

"Sumali rin ako sa mga rally at galit din ako sa mga Pangulo (noon).

"Ang sinabi, ‘ibagsak at lansagin ang diktadurya.

"Sipain sa pwesto at palayasin sa Malacañang’. ‘Yun ang sinasabi ng mga estudyante noon. Walang sinabi noon na patayin ang Pangulo na iyan,” banat pa nito.

Samantala, sa isa namang ulat ng Rappler, kinondena ng UPV-University Student Council ang pangbabatikos na natatanggap mula sa Duterte supporters.

“With the increased instances of red-tagging by this oppressive state whenever the university raises awareness and action on societal issues, we will not and will never tolerate any kind of harassment or unjust behavior towards our constituents, whether we are facing a single troll or the whole Duterte administration,” ayon sa isang statement na inilabas nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions Celebrity Special: Maine Mendoza And Carlo Aquino

Maine Mendoza and Carlo Aquino answering tricky questions from HumanMeter. And they just can't stop laughing, we can't either! -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel