Misis na nabuking, napakanta na lang para makipagbalikan kay mister

Misis na nabuking, napakanta na lang para makipagbalikan kay mister

- Nais ni misis na maayos ang kanilang pamilya na nasira raw ng mga tsismis na pinaniniwalaan daw ng kanyang mister

- Ngunit giit naman ni mister, mayroon siyang matitibay na ebidensiya na ipapakita raw niya kay Raffy Tulfo

- Kaya naman si misis, napakanta na lamang para sabihin kay mister na ito lang ang kanyang "baby"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Idinulog ng ginang na si Larrylen Caringuian ang kanyang problema sa programa ni Raffy Tulfo para humingi ng tulong na makipag-ayos sa kanyang mister na si Leo Caringuian.

Ayon kay Larrylen, nais niyang maayos ang kanilang pamilya na nasira raw ng tsimis na nagkaroon siya ng "intimate moment" sa katrabaho ni mister.

Mariing itinanggi ni Larrylen ang akusasyon sa kanya na nagsimula raw sa mga katrabaho ni mister.

Ngunit giit ni Leo, mayroon siyang mga ebidensiya na handa raw niyang ipakita kay idol Raffy.

Sabi pa ni mister, matagal na niyang nahuli ang asawa na ka-chat ang ka-trabaho niyang si Arnel Ruiz at binalaan na rin daw niya ang misis tungkol dito.

May mga impormasyon pa raw na nakuha si Leo na si Larrylen ang siyang nangungulit at tumatawag.

Bukod dito, inililihim din daw sa kanya ni misis ang mga password nito at ayaw ipakita sa kanya ang cellphone nito.

Bagamat inamin ni misis na naka-chat niya si Romano, itinanggi naman niya ang paratang na mayroong "nangyari" sa kanila.

Sabi pa nito, sinabi raw ni Arnel na ibang babae ang tinutukoy nito ngunit iginigiit lamang ng ilan na siya iyon.

Kahit hindi sang-ayon si Tulfo sa ginawang pakikipag-chat ni misis sa ibang lalaki at paglilihim kay mister, handa naman itong pag-ayusin ang dalawa.

Habang si misis, napakanta na lamang para ipaalam kay mister na ito lamang ang kanyang mahal at nag-iisang "baby".

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions Celebrity Special: Maine Mendoza And Carlo Aquino

Maine Mendoza and Carlo Aquino answering tricky questions from HumanMeter. And they just can't stop laughing, we can't either! -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel