Viral na PWD na kawayan ang ginawang paa't binti, nabigyan na ng prosthetic leg

Viral na PWD na kawayan ang ginawang paa't binti, nabigyan na ng prosthetic leg

- Nabiyayaan na ng maayos na prostheic leg ang PWD sa viral post ng nakasakay niya sa jeep

- Marami ang naantig nang malaman ang kwento ni Darius Senillo at karapat-dapat daw talaga itong magkaroon ng artificial leg

- Laking pasalamat niya sa netizen na nagbahagi ng kanyang larawan na naging daan upang mapansin ang kalagayan ni Darius

- Tinulungan ng programang Rated K si Darius at di na ito naghintay pa ng matagal upang magamit ang kanyang prosthetic leg

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Minsan nang nag-viral ang post ng netizen na si Sheena Ituriaga Gallego tungkol sa PWD na nakasakay niya sa jeep.

Una na itong naibalita ng KAMI kung saan nabanggit ng netizen na napukaw daw agad ng kanyang atensyon ang kalagayan ng lalaki.

Gawa kasi sa kawayan ang kaliwang binti nito na nagsisilbing ring paa niya.

Napansin din ng programang Rated K ang viral post ni Sheena na naging daan upang makapanayam ang PWD na si Darius Senillo.

Kwento ni Darius, isinilang na siyang walang kaliwang binti. Bukod pa rito, sobrang liliit ng mga daliri niya sa mga kamay at paa.

Dahil sa kanyang kondisyon naging tampulan siya ng tukso mula pagkabata.

Ang nakamamangha kay Darius, sinubukan pa rin niyang magtrabaho sa kabila ng kanyang kalagayan.

Ilang buwan din siyang naging construction worker para lamang di siya maging pabigat sa kanyang pamilya.

Ngunit dahil sa aksidenteng sinapit niya sa construction site, di na muli siyang pinagtrabaho ng kanyang kapatid.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa tulong ng programang Rated K, nasuri ang kondisyon ni Darius. Nabiyayaan din siya ng prosthetic leg kapalit ng kanyang 'do-it-yourself' na paa gawa sa kawayan.

Sa pamamagitan nito, mas maayos na siyang makakapaglakad at maari rin siyang maglaro ng basketball.

Sadyang mabuti pa rin ang kapalaran at natulungan ang mabuting tao tulad ni Darius. Ayon nga sa mga netizens, nararapat lamang daw talaga na matulungan ang tulad ni Darius na sa kabila ng kapansanan ay may busilak na kalooban.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Wanna see how Maine Mendoza and Carlo Aquino giggle while answering some tricky questions? Check this out!

Tricky Questions Celebrity Special: Maine Mendoza And Carlo Aquino | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel