Proud daddy, binigyan ng ₱9,500 ang anak na may average na 95

Proud daddy, binigyan ng ₱9,500 ang anak na may average na 95

- ₱9,500 ang premyo ng estudyanteng may average na 95 sa unang markahan pa lang nila sa paaralan

- Proud ang kanyang ama dahil rank 1 din sa klase ang anak

- Nagbiro pa ang ama na huwag nang galingan pa ng anak dahil baka mamulubi na raw ito sa mga susunod pang markahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang post ng isang ama sa ginawa nitong pa-premyo sa anak na matataas ang grado sa paaralan.

Nakilala ang ama na si Efren Maullon na nagbigay ng ₱9,500 sa anak na si James Russell para sa average nitong 95 sa first grading pa lamang.

Lumalabas na sa 10 puntos, isang libong piso na ang katumbas ng kanyang grado.

At dahil unang markahan pa lang ay mataas na ang grado ni Russell na nasa Grade 12 na ng Pasay City South High School, siya rin ang rank 1 sa kanilang klase.

Ayon sa ama, ang pagbibigay ng ganito kalaking halaga sa anak ay isang "motivation" upang magsumikap ito ng mabuti sa pag-aaral.

May isang salita: Proud daddy, binigyan ng ₱9,500 ang anak na may average na 95

source: Facebook/ Efren Maullon
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Proud na proud ang ama na binahagi sa kanyang social media ang grado ng anak at ang perang premyo niya dahil dito.

Nakuha pang magbiro ng ama na huwag na raw masyadong galingan pa ng anak at baka mamulubi na siya sa mga susunod na markahan.

Samantala, bumilib ang mga netizens kay Efren dahil sa suportang binibigay nito kay John Russell. At humanga rin sila sa anak na nag-aaral ng mabuti di lamang dahil sa premyo ng mga magulang kundi bilang na rin sa paghahanda sa kanyang magandang kinabukasan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Wanna see how Maine Mendoza and Carlo Aquino giggle while answering some tricky questions? Check this out!

Tricky Questions Celebrity Special: Maine Mendoza And Carlo Aquino | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel