Bantay habambuhay: Lola, laging kasama ang mga aso sa paghahanapbuhay

Bantay habambuhay: Lola, laging kasama ang mga aso sa paghahanapbuhay

- Viral sa social media ngayon ang isang lola na laging kasama ang mga aso niya

- Laging kasa-kasama ni Nanay Marina Galiya ang kanyang dalawa aso habang naghahanapbuhay siya

- Naantig naman ang mga puso ng mga netizens sa kwento ni Nanay Marina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tampok sa social media ngayon ang isang lola na laging kasa-kasama ang kanyang mga aso sa paghahanapbuhay.

Nalaman ng KAMI na laging nagtutulak ng kariton si Nanay Marina Galiya na punong-puno ng karton.

Ayon sa isang Facebook post ng netizen na si Joyce Garban, hindi iniiwan ni Nanay Marina ang kanyang dalawang aso kahit saan siya magpunta.

Lagi po syang naglalakad bitbit ang mabibigat na kartos tulak tulak ang sidecar na halos di na kayanin sa sobrang daming karton lagi din nyang kasama ang mga aso nya,” sabi ni Joyce.

Kwento ni Nanay Marina, ayaw niya iiwan ang mga aso niya sa bahay dahil naaawa siya sa mga ito.

Dagdag pa nito, okay lang daw siya kahit na mabigat ang karitong tinutulak niya at kahit naghahanapbuhay pa siya kahit na may edad na siya.

“Tinutulak nya ang side car nya mula Bahay nya Balubad hanggang sa Junkshop sa lamuan po ata,” sabi ni Joyce.

Sabi nya malaking tulong naman daw po ang karton sakanya,” dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maraming mga netizens ang lumambot ang puso kay Nanay Marina. Narito ang kanilang mga komento sa Facebook post:

“Mahirap talaga ang ginagawa ni Nanay. Pero pag itinigil nya bukod sa wala silang kakainin biglang manghihina si Nanay dahil sanay na sya ganyan.”
“Kung my mabuting Puso ang makakita on d spot Puede na cya tulungan.”
“Dapat cla ung binibigyan ng tulong ng gobyerno”
“wawA naman po sila, Kazama sama nya mga alagang aso sa paghanap buhay. Sana matulungan po ntin”
“Ang sipag nman nya”
“Nakikita ko po lagi yan si nanay kasama din mga aso nya. Bale tumutulong din yung mga aso nya sa paghatak sa bike kaya nakakaawa din po.”

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Firsts And Lasts Game: Carlo Aquino's First Heartbreak Story — on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel