Babaeng ginamit ang credit card ng aktres na si Angelica Panganiban, arestado

Babaeng ginamit ang credit card ng aktres na si Angelica Panganiban, arestado

- Arestado ang isang babaeng gumamit di umano ng credit card ng aktres na si Angelica Panganiban

- Nagamit na nito ang halagang ₱5,000 mula sa credit card ngunit tinatangaka pa umano nitong gamitin ang halagang ₱500,000 sa casino

- Naaresto ang babae sa kanya mismong bahay

- Di na nagbigay pa ng pahayag ang suspek at sinabi na lamang nitong marami naman na ang gumagawa ng ganitong modus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tiklo ang isang babaeng nagngangalang Agatha Reyes sa kanya mismong bahay matapos nitong gamitin di umano ang credit card ng aktres na si Angelica Panganiban.

Ayon sa ABS-CBN news, nagamit umano ng suspek ang credit card ng aktres matapos niya itong ipa-renew sa bangko.

Sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation o NBI, maaring nagkaroon daw ng sabwatan ang suspek sa magdadala ng bagong card ni Panganiban.

Paliwanag pa ni Ronald Aguto, hepe ng NBI- International Operations Division, maaring nagawan ng paraan na mai-activate ang card mula sa mga courier ngunit di nila lubusan pang maipaliwanag ang koneksyon ng mga ito sa bangko.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagamit na umano ni Reyes ang halagang ₱5,000 mula sa card ng aktres at tinangka pa nitong gamitin sa casino ang halagang ₱500,000.

Di na naitanggi ng suspek ang nagawang krimen. Sinabi niyang marami na raw ang gumagawa ng ganitong modus at di na muling nagbigay ng iba pang pahayag.

Kasalukuyan nang nakakulong si Reyes sa kasong credit card fraud at ang kasong isasampa ng aktres laban sa kanya.

Payo ng NBI, maging mapanuri sa mga transaksyon na ginagamitan ng credit card lalo pa kung may kalakihan ang limit nito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Wanna see how Maine Mendoza and Carlo Aquino giggle while answering some tricky questions? Check this out!

Tricky Questions Celebrity Special: Maine Mendoza And Carlo Aquino | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel