Makapigil hiningang pagpapahinto ng tren dahil sa babaeng nahulog sa riles, viral

Makapigil hiningang pagpapahinto ng tren dahil sa babaeng nahulog sa riles, viral

- Sapul sa video ang aksidenteng pagkahulog ng isang babae sa riles ng tren

- Natumbahan lamang umano ang babaeng ito ng lalaking hinimatay

- Makapigil hininga ang pagpapahinto ng mga pasahero sa paparating na tren na tumigil naman sa oras

- Naisalba ang lalaking hinimatay gayundin ang babaeng nahulog sa riles ng tren

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Animo'y isang eksena sa pelikula ang nakunan ng security camera sa isang subway sa Buenos Aires.

Makikita sa video na binahagi ng KION News Channel 5 46, naglalakad lamang ang babae malapit sa may sakayan ng tren nang biglang matumbahan ito ng lalaking hinimatay.

Sa lakas ng pagkakatumba, tumilapon ang babae sa riles.

Bahagya itong nawalan ng malay sa mismong gitna ng riles ng tren.

Sakto namang may paparating na tren kaya naman nagkagulo ang mga tao sa pagpapahinto nito dahil sa di parin nagigising ang babae.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mabuti na lamang at huminto ito sa oras at di naman nasagasaan ang babae.

Agad na rumesponde ang emergency team ng lugar.

Nang mai-alis sa riles ang babae, makikitang nakagalaw naman ang mga kamay nito ngunit di na nabanggit kung ano talaga ang natamo nitong pinsala sa katawan.

Maging babala ito sa mga sumasakay ng tren dahil minsan, kahit gaano tayo kaingat, dumarating pa rin ng di inaasahan ang kapahamakan.

Narito ang kabuuan ng video:

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Wanna see how Maine Mendoza and Carlo Aquino giggle while answering some tricky questions? Check this out!

Tricky Questions Celebrity Special: Maine Mendoza And Carlo Aquino | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel