Johnson's baby powder na kinakitaan ng kemikal na nagdudulot ng cancer, pinasauli

Johnson's baby powder na kinakitaan ng kemikal na nagdudulot ng cancer, pinasauli

- Nasa 33,000 na bote ng Johnson's baby powder ang pinasauli matapos kakitaan ng FDA ang samples nito ng asbestos

- Ang asbestos kasi ay isang uri ng kemikal na nagdudulot ng cancer

- Sa loob ng maraming taon, ito ang unang beses na nagkaroon ng recall ang Johnson and Johnson

- Nahaharap din ngayon ang kompanya sa 15,000 na kasong sinampa ng dating mga tumatangkilik sa kanila dahil sa ito raw umano ang dahilan ng pagkakaroon nila ng cancer

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakaaalarmang nasa 33,000 na bote ng Johnson's baby powder ang na-recall matapos kakitaan ng asbestos ang samples nito.

Ayon sa ulat nina Julie Steenhuysen at Lisa Girion ng Reuters, ito raw ang kauna-unahang pagkakataon ng kompanya na makaranas ng recall o pagsauli ng ganito karaming produkto dahil sa posibleng kontaminasyon ng asbestos.

Ang asbestos kasi ay isang uri ng kemikal na maaring magdulot ng cancer.

Bukod dito, nahahrap din sa nasa 15,000 mga kaso ang 130 taon nang kompanya dahil sila rin ang tinuturo ng mga dating tumatangkilik na siyang dahilan ng pagkakaroon nila ng cancer.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, ayon naman kay Dr. Susan Nicholson, head ng Women’s Health ng medical safety organization ng J&J, "extremely unusual," at "inconsistent with our testing to date" ang pangyayaring ito.

Nanindigan naman ang US Food and Drug Administration o FDA sa kanilang natuklasan at inirerekomenda na itigil muna ng mga consumers ang paggamit nito.

Ibayong imbestigasyon pa rin ang isasagawa lalo pa at kilala at malaking kompanya ang Johnson & Johnson.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Wanna see how Maine Mendoza and Carlo Aquino giggle while answering some tricky questions? Check this out!

Tricky Questions Celebrity Special: Maine Mendoza And Carlo Aquino | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel