'Aling Donut', proud na napagtapos ang mga anak dahil sa pagtitinda ng empanada

'Aling Donut', proud na napagtapos ang mga anak dahil sa pagtitinda ng empanada

- Marami ang naantig sa kwento ni "Aling Donut" na tindera ng donut at empanada sa loob ng 23 taon

- May isang anak na siyang guro habang ang isa naman ay magtatapos na rin ng kursong Education sa susunod na taon

- Proud din naman ang mga anak ni ALing Donut sa kanya dahil sa kasipagan ng ina at sakripisyo nito para sa kanilang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napaluha ang mga studio audience ng Wowowin sa nakakaantig ng puso na kwento ni "Aling Donut".

Bagaman at "Nancy" ang kanyang tunay na pangalan, mas nakilala na siya bilang si "Aling Donut" dahil sa paglalako niya ng donut at empanada sa loob ng 23 taon.

Nalaman ng KAMI na sa halos mahigit dalawang dekada niyang pagtitinda, naitaguyod niya ng maayos ang mga anak.

Dala ng kanyang kasipagan at sakripisyo, guro na ang isa niyang anak habang ang isa naman ay magtatapos din ng kursong Education sa susunod na taon.

Sa kabila ng mga pinagdaanan niya sa buhay, nanatiling positibo at masayahin si Aling Donut.

Dahil dito, proud na proud din ang anak ni Aling Donut sa kanya.

Kahit pa madalas silang tuksuhin dahil sa hanapbuhay ng ina, di na lamang daw nila ito pinapansin dahil alam nila ang hirap at sakripisyo nito para lang itaguyod ang kanilang pamilya.

Emosyonal na nagpasalamat ang anak ni Aling Donut sa kanya na maging ang mga audience ay napaluha na rin.

Humanga maging ang host ng programa na si Willie Revillame kay Aling Donut at sana raw ay magsilbing inspirasyon ito sa mga inang tulad ni Aling Donut.

Narito ang kabuuan ng video:

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Wanna see how Maine Mendoza and Carlo Aquino giggle while answering some tricky questions? Check this out!

Tricky Questions Celebrity Special: Maine Mendoza And Carlo Aquino | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel