Tropa ng mga babaeng nag-aksaya ng tissue at nanggulo ng public CR sa Pasig, sapul sa video

Tropa ng mga babaeng nag-aksaya ng tissue at nanggulo ng public CR sa Pasig, sapul sa video

- Binahagi ng isang netizen ang di umano'y ginawang kalokohan ng mga babae sa isang public CR sa Pasig

- Isa sa mga magkakaibigan mismo ang kumuha ng video habang ginagawa nila ang pag-aaksaya ng tissue at panggugulo sa loob ng CR

- Bagaman at humingi na raw ng tawad ang grupo sa kanilang nagawa, binatikos pa rin ng netizens ang ginawang ito ng magkakaibigan

- Malaki raw kasi ang posibilidad na maulit pa ito kung di napagtuunan ng pansin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang isang video na nagpapakita sa magkakaibigang nagkalat at nag-aksaya ng tissue sa isang pampublikong palikuran sa Pasig.

Nakilala ang tropa ng mga babaeng ito bilang "SquammyPotchiGirlsSquad".

Binahagi ng netizen na si Joshua Angelo Tadeo Frial ang video na orihinal na kuha ng isa sa mga miyembro ng tropa na may Facebook name na Marvina Taylor.

Nalaman ng KAMI na sa orihinal na post, may caption pa itong "ganto po kame kung magkakasama kame..."

Tila proud pa di umano ang mga babaeng ito sa kanilang ginagawa na nakakaperwisyo sa iba.

Ayon pa kay Joshua, taga-Pinagbuhatan at Bambang sa Pasig City ang magkakaibigang ito.

Binahagi ito ni Joshua upang maalarma ang publiko lalo na at baka may iba pa itong ginagawa bukod sa pag-aaksaya at pagkakalat.

Napag-alamang mangilan-ngilan na pala talaga ang mga reklamong nakasampa sa grupong ito sa barangay sa dami ng kalokohang di umano'y nagagawa ng mga ito.

Bagaman at humingi na ng patawad ang mga miyembro ng "SquammyPotchiGirlsSquad," di pa rin ito maiwasang mabatikos ng ilang netizens na naalarma sa mga ginagawa ng mga magtotropang ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Nakakainit ng ulo itong mga ganitong kabataan ! Pag linisin yan ng buong Baranggay nila ng 5 araw"
"Nakakaalarma na talaga ang mga kabataan ngayon, parang mga wala sa sariling pag-iisip"
"Very bad mga iha, tapos proud pa kayo sa mga ginagawa niyo"
"Turuan na to ng leksyon, baka sa susunod mas malala na ang magawa ng mga iyan"
"Di niyo na naisip yung janitress na maglilinis niyan, or yung kasunod na gagamit..."
"Ano yan trip lang? dapat sa mga to pinatitikim ng parusang di nila malilimutan at di na sila makakaulit"

Halos 2 million na ang views ng video na ito at sana raw sa 48,000 na beses na ito'y binahagi ay magtanda na ang mga kababaihang ito at di na muling ulitin ang nagawang pagkakamali.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Wanna see how Maine Mendoza and Carlo Aquino giggle while answering some tricky questions? Check this out!

Tricky Questions Celebrity Special: Maine Mendoza And Carlo Aquino | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel