Super sweet! Lalaki, sinurpresa ng DIY chocolate bouquet ang gf sa b-day nito

Super sweet! Lalaki, sinurpresa ng DIY chocolate bouquet ang gf sa b-day nito

- Trending sa social media ngayon ang effort na ginawa ng lalaki para sa nobya niya

- Naisip ng isang netizen na gawan ng DIY chocolate bouquet ang girlfriend niya para sa birthday nito

- Todo kilig din naman ang mga netizens sa effort ng lalaki para sa girlfriend niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging viral sa social media sa ang very sweet surprise ng isang lalaki para sa girlfriend niya.

Nalaman ng KAMI na todo effort ang lalaki para sa birthday ng girlfriend nito at monthsary nila.

Ayon sa Facebook post ng netizen na si Jefrey Dacir Rodrigueza, siya mismo ang gumawa ng chocolate bouquet na surpresa niya sa kanyang nobya.

“Minsan lang naman ecelebrate ang birthday so bakit di natin gawing special. Nakakapagod pero worth it naman mga sir kasi effort kung effort para sa taong love natin,” sabi nito sa post.

Ibinahagi rin niya ang kanyang mga pinagdaanan sa paggawa ng chocolate bouquet.

“Dugo’t pawis inalay ko dito. Haha. Oo literal na may dugo. Kasi sa opis ko siya ginawa ng 3days at nandun pa si boss labas pasok kaya yung ginagawa ko tinatago ko at ilalabas ulit. Sa kakamadali nahawakan ko yung cutter ayun nahiwa!” kwento niya.

Kahit na nahirapan ay balewala naman ito para kay Jefrey lalo na nang magustuhan ng girlfriend niya ang DIY bouquet na ginawa niya.

“Ganon tlaga pag gusto mo ginagawa mo pagsasakripisyohan mo. Ayun worth it lahat kasi gustong gusto niya pa bouquet ko,” sabi nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, todo kilig din naman ang mga netizens sa effort na ginawa ni Jefrey para sa girlfriend niya. Narito ang mga komento nila sa Facebook post:

“Idol tka tlga boi”
“How to be u po?
“Wew nemen... Pwede ne pwede ne!”
“Sana all ganto. haha. Effort na effort”

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Firsts And Lasts Game: Carlo Aquino's First Heartbreak Story — on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel