Gretchen Barretto, may bagong video na ibinahagi na diumano'y magpapatunay sa kanyang pahayag

Gretchen Barretto, may bagong video na ibinahagi na diumano'y magpapatunay sa kanyang pahayag

- Isang video ang muling ibinahagi ni Gretchen Barretto sa Instagram

- Ito ay kuha mula sa pagbisita niya sa burol ng kanyang yumaong ama kung saan naganap ang napabalitang comprontasyon nila ni Marjorie Barretto

- Ayon pa kay Gretchen, makikita sa nasabing video na nanggagalaiti diumano si Marjorie nang dumating siya

- Ito din daw ang dahilan kung bakit mas pinili niyang huwag dumalaw sa ama nang nakaratay pa ito sa ospital

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi naubusan ng pasabog si Gretchen Barretto. Isang bagong video na naman ang kanyang ibinahagi sa Instagrm na kuha din sa parehong video na ibinahagi ni Claudine Barretto ngunit kuha sa ibang anggulo.

Makikita sa video ang kapatid nilang si Marjorie na nakatayo at tila may sinasabi. Ayon pa kay Gretchen kasama din niya ang pamangkin nilang si Nicole at former Mayor Echiverri.

Dagdag pa ni Gretchen makikita sa nasabing video ang panggagalaiti ni Marjorie at ilang kamag-anak diumano nila ang sumubok na pakalmahin siya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ito umano ang dahilan kung bakit hindi niya magawang makadalaw sa kanilang ama noong nasa ospital pa lamang ito.

Watch carefully Marjorie & nicole is the one beside her.the day of the wake . Watch EX MAYOR ECHIVERRI, feeling part of the barretto family . Watch marj itch-very Fuming mad the relatives were trying to calm her from her insanity now you KNOW WHY I DID NOT GO TO VISIT MY DAD IN HIS LAST DAYS .( Marjorie will have an outburst in the ICU.

Sa naunang ulat, kinumpirma ni Gretchen ang napabalitang pagkakagulo nila sa burol ng kanyang ama.

Si Gretchen Barretto ay isang Pilipinang aktres. Sina Miguel Alvir at Estrella Castelo ang kaniyang mga magulang at kapatid ng mga artista ding sina Marjorie Barretto at Claudine Barretto.

POPULAR: Read more about Gretchen Barretto here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Showbiz Kami: Social Media Going Nuts Over Nadine's Dad's Post | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Did the father of Nadine Lustre target Kathryn with his recent Facebook post? HumanMeter host Christine helps us find out the truth!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel