Babaeng biktima ng arranged marriage, nakatext sa pulisya at nasagip

Babaeng biktima ng arranged marriage, nakatext sa pulisya at nasagip

- Nasagip ang isang babaeng kinuha na ng lalaking pakakasalan sana niya

- Arranged marriage lamang daw ito kaya naman labag sa kalooban niya ang pagsama sa lalaki

- Dahil sa pagtawag niya sa pulisya, nasagip siya mula sa kamay ng lalaking ipinagkasundo sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang 22 anyos na babaeng biktima umano ng 'arranged marriage' ang nasagip ng pulisya nitong Huwebes, Oktubre 17.

Ayon sa ABS-CBN news, kinidnap pa raw ang babae ng lalaking kanya sanang pakakasalan.

Ngunit dahil nakakuha ang babae ng numero ng pulisya, nai-text niya ito at agad naman rumesponde ang Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG).

Natunton siya sa Barangay Uno, Silang, Cavite.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa kasamaang palad, nagalaw na siya ng lalaking ipinagkasundo sa kanya kahit pa labag ito sa kanyang kalooban.

Pinilit lamang daw siya ng lalaki na matagal na rin siyang tinatakot.

Ito ang nag-udyok sa kanya para maghanap ng numero ng pulis upang magamit niya sakalaing dumating ang araw na siya ay maagrabyado.

Nahuli ang tagabantay na si Asnawe Mago ngunit nakatakas ang nagpadakip sa babae na si Ampaso Mago.

Patuloy pa rin itong pinaghahanap upang harapin ang kasong panggagahasa at kidnapping with serious illegal detention.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Wanna see how Maine Mendoza and Carlo Aquino giggle while answering some tricky questions? Check this out!

Tricky Questions Celebrity Special: Maine Mendoza And Carlo Aquino | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel