Lolang ₱20 lang ang pang-Jollibee, pinakain na lang ng mga crew

Lolang ₱20 lang ang pang-Jollibee, pinakain na lang ng mga crew

- Viral ang post tungkol sa lola na nagbabayad ng ₱20 para lamang makakain sa Jollibee

- Imbis na paalisin, pinakain ito ng mga crew

- Hinatid pa ng isa sa mga crew ang lola pag-uwi

- Humanga ang netizen na kumuha ng larawan ng lola sa Jollibee dahil bihira raw ang ganitong klase ng pagtulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang post na binahagi ni Marold Aquino Anido, netizen na nanakasaksi ng kabutihang ginawa sa lolang ₱20.

Napansin ng netizen na galing palengke ang lola na pumasok at naupo sa Jollibee Calamba Crossing.

Hawak ang ₱20, kinausap ng mga crew ang lola na tila umo-order na.

Natakot pa nga raw noon si Marold na baka di mabigyan ng pagkain ang matanda.

Laking gulat na lamang niya nang nilapitan ito ng crew, dala ang burger steak, rice, iced tea at tubig.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bakas daw sa mukha ng lola ang saya na nang kumakain ito.

Ang nakakatuwa pa rito, pilit pa ring iniaabot ng lola ang kanyang ₱20 ngunit di naman ito tinatanggap ng mga crew.

Nang matapos pa itong kumain, hinatid pa ito palabas upang maayos itong makauwi.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Wanna see how Maine Mendoza and Carlo Aquino giggle while answering some tricky questions? Check this out!

Tricky Questions Celebrity Special: Maine Mendoza And Carlo Aquino | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel