Dahil bawal maglako: Store manager, nagmalasakit pakain ang sampaguita vendor

Dahil bawal maglako: Store manager, nagmalasakit pakain ang sampaguita vendor

- Imbis na ipagtabuyan, pinapasok at pinakain ng isang store manager ng Mang Inasal ang batang nagtitinda ng sampaguita

- Bukod dito, binili na rin niya ang mga paninda nito

- Umani ng papuri ang store manager na ito dahil sa maagang pamaskong natanggap ng bata mula sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang humanga sa ginawa ng store manager ng isang branch ng Mang Inasal dahil sa pagtulong na nagawa niya sa isang batang naglalako ng sampaguita.

Imbis kasi na ipagtabuyan, pinapasok niya ito at pinakain.

Nalaman din ng KAMI na pinakyaw na rin ng manager ang paninda ng bata upang makauwi na ng maaga ang bata at makapagpahinga.

Binahagi mismo ng manager na si Kyn Matthew ang larawan nila ng bata na maayos na nakakain sa araw na iyon.

Dahil dito, inulan ng papuri ang manager sa ginawa niyang pagtulong.

Maging ang bata ay kinabiliban din dahil sa kasipagang pinakita nito sa kabila ng kanyang murang edad.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

"Good job sir, blessing ka po sa mga batang tulad nila. sana dumai ang tulad niyo"
"Tama yan sir, yung iba pagtatabuyan na lang yung mga bata... e yan nagtitinda naman di namamalimos..."
"Nakakaawa yung bata pero at least nakakatulong na siya sa pamilya"
"Sana di lang nung araw na yan maayos nakakin yung bata, kakaawa e"
"Salute sir! dumami pa sana ang store manager na tulad niyo po!"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Wanna see how Maine Mendoza and Carlo Aquino giggle while answering some tricky questions? Check this out!

Tricky Questions Celebrity Special: Maine Mendoza And Carlo Aquino | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel