Lolang bulag na namumuhay mag-isa, emosyonal na nagpasalamat sa mga tulong na natanggap

Lolang bulag na namumuhay mag-isa, emosyonal na nagpasalamat sa mga tulong na natanggap

- Minsan nang nag-viral ang nakakadurog ng pusong kwento ng buhay ni Lola Nenita

- Sa dami ng naantig at nadurog ang puso sa sinapit ng bulag na lola na ito, marami ang nagpadala ng tulong maging ang nasa ibang panig ng mundo

- Emosyonal ang lola nang dalhin sa kanya ang mga pagkain at iba pang gamit dahil di na siya kailangan pang mamalimos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naluha sa sobrang saya ang lola na bulag na nahandugan ng tulong ng mga nagmalasakit na netizens nang malaman ang kanyang kwento.

Binahagi ni Archie Hilario ng Energy FM Kalibo team ang nakakadurog ng pusong kwento ni Lola Nenita.

Hindi naman daw dating bulag ang matanda. Magsasaka si Lola Nenita at kanyang mister noong kalakasan pa nila.

Nagsimulang magbago ang lahat ng magkasakit ang mister at tuluyan na itong pumanaw.

Di nabiyayaan ng mga anak ang dalawa kaya naman naiwang mag-isa ang 68 anyos na biyuda.

Sa kasamaang palad, ang malabo niyang paningin ay natuluyan na rin sa pagkabulag.

Wala na tuloy siyang magawa kundi ang mamalimos na lamang.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kinakailangan pa niyang maglakad ng ilang kilometro at sumakay ng jeep para lamang mamalimos.

Sa pamamalimos, napansin ang kanyang kwento nang minsang pinagmalupitan siya ng konduktor ng jeep at di na siya pinasakay sa kabila ng kanyang pakiusap.

May isang pasahero ang nagmalasakit na sabihin sa driver na pasakayin na si Lola Nenita at binahagi na rin sa Facebook ang nangyaring iyon.

Ang Energy FM Kalibo team ang siyang sumubaybay sa kalagayan ng matanda at sila na rin ang nangalap ng mga donasyon para rito.

Pinakita nila sa video kung paanong sinadya nila talaga ang lugar ng matanda upang madala ang mga pagkain at ilan pang mga kailangan nito sa araw-araw.

Lahat ng tulong mula sa iba't-ibang panig ng mundo ay nakarating kay Lola Nenita kaya naman labis labis ang pasasalamat niya sa mga biyayang natanggap na malaking bagay na sa araw-araw niyang pamumuhay.

Narito ang kabuuan ng video:

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Wanna see how Maine Mendoza and Carlo Aquino giggle while answering some tricky questions? Check this out!

Tricky Questions Celebrity Special: Maine Mendoza And Carlo Aquino | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel